Thamia “ARE you okay now?” Ayaw akong iwanan mag-isa ni Miguel. Sabi ko sa kanya ay gawin na niya kung anong dapat niyang gawin, pero ayaw niyang umalis. Iniisip niya pa rin siguro na natatakot ako o may hindi magandang mangyayari sa akin. “Maayos na ako, Miguel.” Ngumiti ako sa kanya. “So, do your thing.” Kanina ay tumawag si Diego at may mga dokumento raw na kailangang pirmahan si Miguel sa Aklan. Tinanong niya pa kanina kung pwede raw na e-signature pero mukhang hindi pwede dahil kumunot ang noo ni Miguel. “I will triple the guards outside.” Umawang ang bibig ko pero napangiti rin. I appreciate his concern, really. “Sa tingin mo ba ay may mangyayaring masama sa akin dito sa penthouse mo?” Tumaas ang isang kilay ko habang hinihintay ang kanyang isasagot sa akin. “No, but…” Hina

