KABANATA 25: SORRY

2501 Words

Thamia “ITO ang gagamitin nating formula para ma-solve iyong problem—nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” Napakurap-kurap ako nang magtaas nang bahagya ng boses si Mateo para makuha ang atensyon ko. Bumaling ako sa kanya. Tinataasan niya ako ngayon ng isang kilay. “Ha? Oo, nakikinig ako.” Lalong tumaas ang kilay niya dahil sa isinagot ko. Ipinakita niya iyong isinulat niya sa isang papel. Tiningnan ko iyon, hindi alam ang gagawin. “Sige nga, i-solve mo ito.” Tinitigan ko lamang ang papel. Hindi ko maintindihan. Mahina talaga ako sa Math, at ang totoo ay hindi naman ako nakinig sa kanya. “See? Hindi ka naman nakikinig sa mga paliwanag ko. Lumilipad ‘yang isipan mo.” Bumuntong-hininga ako at nahihiyang ngumiti kay Mateo. “Pasensya na. May iniisip lang ako. Sige na, tapusin na natin ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD