Miguel “WE sincerely apologize, Mr. Landaverde,” sabi ng kausap ko. He’s the current chief of police kung saan nakadestino ang lalaking nagpakalat tungkol sa pagkakakulong ni Thamia. “The damaged has been done,” sabi ko habang nilalaro ang isang ballpen na kinuha ko naman sa kanyang table. Hindi ko siya tinitingnan at patuloy lamang ako sa pagpapaikot ng ballpen sa aking mga daliri. Napayuko siya at alam ko na nahihiya sa nangyari kahit wala naman siyang kasalanan. People know how powerful my family is, pero bukod pa roon maimpluwensya rin kami sa military at sa kapulisan. Most of their people, we trained them. Bukod sa mga negosyo na mayroon kami, primary business namin ang security services and we also trained people to become who are they today. Minsan, the government even hires u

