Thamia “JUST text the driver once you’re done.” Iyon ang sabi ni Miguel sa akin bago ako bumaba ng kanyang kotse. Inihatid niya lamang ako sa clinic ni Dra. Rina pero hindi niya ako masasamahan dahil may meeting siya. “Okay,” sagot ko naman sa kanya. Nang paalis na ako, pinigilan ako ni Miguel. Nalilito akong lumingon sa kanya. Inaalala ko pa kung may nakalimutan ba ako para pigilan niya ako. “Bakit?” Nakatitig lang kasi si Miguel sa akin pero hindi siya nagsasalita. Mayamaya pa ay ngumisi ito. “Wala ba akong goodbye kiss diyan?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kanina nga lang ay naghahalikan kami bago kami umalis ng bahay tapos ngayon ay manghihingi pa siya ng kiss? Ganoon man, napangiti ako at dahan-dahan na lumapit sa kanya at idinampi ang labi ko sa kanyang labi. Mabil

