Nina Ricamonte Time check. 10:45pm. Napabuntong hininga na lang ako at lupaypay na napaupo sa sofa.Sobra na akong nababato sa lugar na ito.Para akong nakakulong isang hawla. Napatingin ako sa kisame.Napapikit ako ng mariin ng maalala muli si Christian.Yung pag iyak nya,s**t,kumikirot ang puso ko..Nasaktan ko sya,ramdam ko yon.Pero para rin naman sa kanya ito eh. Iwinaglit ko ito sa aking isipan.Siguro ay dapat ko na rin itong kalimutan.Lalo lang akong masasaktan. Iniayos ko ang aking sarili para makahiga ng maayos.Ayaw ko munang pumunta sa kwarto,tinatamad ako.Mas feel kong mahiga dito ,kasi may naaalala ako dito. Sofa. Napangiti ako ng mapait.Masakit ang naging umpisa,mas masakit ang katapusan.Hay.Napaka mapagbiro ng mundo,paasahin ka,tapos babawiin sa iyo. Kung tutuusin,hindi na

