CHAPTER 1 (SILIP)
I grew up not knowing who I really was. Palaging may tahimik na puwang sa aking puso, na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko kilala kung sino ba talaga ang mga magulang ko, kung iniisip din ba nila ako. Kung mayroon ba akong mga kapatid at alam ba nilang may kapatid sila.
Lumaki ako kasama ang dalawang taong tumayong ina ko simula nung bata pa lamang ako. May tatlong tao rin na tumayong ama ko rito sa lugar kung nasaan ako ngayon.
“Saskia, pumasok kana at gabi na! Maraming lamok d’yan sa labas!” rinig kong sigaw ni Nanay Dishang mula sa loob ng bahay. Nandito ako sa garden area, kung saan naroroon ang mga tanim kong bulaklak.
I'm curious about what's outside. What it looks like, because I haven't been outside since I was a kid. I'm not allowed to go past the gate because there's a guard. I was also homeschooled until I graduated from college. I don't know anyone other than the guards, the maids, and my teacher.
May isa pa pala akong kilala, muntik ko na siyang makalimutan. Si Mr. Kenji Tanaka. Ang taong nagpalaki sa akin. I always ask why I can't go out and why I'm here. But that question remains and no one can answer it for me.
Si Mr. Kenji Tanaka ay may-ari nitong malaking bahay, ang nagpapasweldo sa mga katulong at bodyguard na kasama ko. Siya rin ang nagpa-aral sa akin. Ngunit malimit lang iyong pumunta rito.
He's only been here three times in the 23 years I've been alive. Sinasabi nila sa akin na hindi ko raw kaano-ano si Kenji.
Tumayo na ako at pinagpagan ang aking suot na palda. Ilang oras na pala akong nakaupo rito. Habang pinapagpagan ko ang aking palda ay bigla na lamang bumukas ang mataas na gate ng bahay. Mataas ang gate ng bahay, nung bata ako ilang beses akong nagtangkang tumakas at lumabas ngunit hindi ako nagtatagumpay. Tapos kapag nasa kwarto naman ako at tatambay sa veranda ay wala rin naman akong ibang nakikita sa labas kung hindi puro matatayog na kahoy.
I was about to turn around to go inside when the large gate in front of the house suddenly opened. Pumasok ang isang sasakyan na Lamborghini. And only one person came to mind who was the owner of that car.
It’s Kenji Tanaka! Mabilis akong tumakbo upang salubungin ang sasakyan niya.
Kenji is kind to me. Whenever he comes here, he always brings me a gift. He is very handsome, his eyes are narrow because he has Japanese blood.
Crush na crush ko na siya simula nung bata pa lang ako. Atat na atat ako palaging nagtatanong kung kailan siya dadalaw.
“Mr. Tanaka!” sigaw ko. Bumaba na ito ng sasakyan. Mahigit isang taon din nung huli ko itong makita. Hinagis niya muna ang susi kay Tatay Jemboy bago humarap sa akin.
“Good evening, Saskia. Why are you still out here tonight?”
Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil nakatuon lang ang aking atensyon sa mukha nito. Even though he is old, he still looks young. According to them he is already forty-five years old. I wonder if Mr. Kenji is married? Or maybe he has a girlfriend?
“Good evening, Mr. Kenji. Nagpapahangin lang po bago kumain ng hapunan. Hindi po kayo nagsabi na pupunta kayo rito,” wika ko. Gusto kong pukpokin ang aking sarili. Oo nga pala, hindi naman siya nagsasabi kung pupunta ba siya o hindi. Bigla-bigla lang naman itong sumusulpot dito.
Nakita kong lumabas na rin si Nanay Dishang at Nanay Isay. Mga katulong sila ngunit nanay ang tawag ko sa kanilang dalawa, tatay naman ang tawag ko sa tatlong bodyguard na kasama ko rito.
“Why? Don't you want me here?” he asked. He took off his leather jacket. He handed it to Nanay Dishang.
“Nako! Gustong-gusto ni Saskia na nandito ka, Sir Kenji! Kung alam mo lang, walang araw na hindi nagtatanong ang batang ‘yan kung kailan ka babalik dito!” ani Nanay Isay.
Pinanlakihan ko ito ng mga mata. Kinain na ako ng hiya nang tumitig sa akin si Mr. Kenji.
I feel like all the blood has rushed to my face. Nakakahiya ang sinabi ni Nanay Isay! It should be kept a secret!
“Tumigil ka nga d’yan, Isay!” to the rescue naman agad sa akin si Nanay Dishang. Madaldal kasi talaga si Nanay Isay.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Kaya syempre sa sumabay ako sa kanya kahit ‘yong isang hakbang niya ay dalawang hakbang ko na.
Nung matapos kaming maghapunan ay umakyat na agad sa kanyang kwarto si Mr. Kenji. Kaya naman, habang naghuhugas ng pinggan si Nanay Isay ay pinipilit ko itong utusan ako na maghatid ng kung ano-ano sa kwarto niya.
“Sige na, Nanay. Minsan lang naman siya umuuwi rito! Baka sa susunod na makikita ko siya after two years pa!” Umiling lang ito. “Maghatid kaya ako ng kape?” tanong ko sa aking sarili.
“Oh sige na, sige na. Pero si Nanay Dishang mo ang magtitimpla ng kape,”
Tumalon-talon ako sa sobrang tuwa at niyakap ko pa si Nanay Isay. Hinalikan ko pa ang kanyang pisngi.
“Thank you, Nanay! Kaya love na love kita, eh! Magbibihis na muna ako sa taas!” excited na sabi ko. I ran quickly to my room to put on new clothes.
Silk na pantulog ang aking suot, kulay violet iyon at sleeveless ang pang-itaas.
Bitbit ang isang tray ay umakyat ako sa taas upang ihatid ang kape ni Mr. Kenji.
Kumatok ako ng dalawang beses ngunit wala naman sumasagot kaya pinihit ko na ang doorknob upang makapasok ako sa loob. May mga damit akong nakita na nakapatong sa ibabaw ng kama. At naririnig ko rin ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Nilapag ko muna ang tray sa ibabaw ng bedside table at umupo ako sa kama upang hintayin itong lumabas. Ilang minuto rin ang nakalipas nang pinatay na ang shower sa loob. Segundo ang lumipas nang bumukas ang pinto.
“Oh my!”
“What the fvck?”
Ang aking labi ang aking tinakpan imbes na ang aking mga mata. Lumabas ng banyo si Mr. Kenji na walang suot na kahit anumang saplot sa katawan niya!