“Good morning, babe!” Matinis na bati ng girlfriend ni Jake sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag nito. Itinuon naman ni Monica ang pansin sa pagkain. Wala man sa harap niya ng mga sandaling iyon ang kaklase niyang si Lovelyn ay alam niya na nakangiti ito at kinikilik na makausap ang lalaki. Naka-ngiwi na hinawakan niya ang tinidor saka tumusok ng bacon at dinala iyon sa loob ng bibig, walang buhay na nginuya ang pagkain. Wala siyang pakialam kahit kinikilig pa ito na makausap ang lalaki na kasama niya ngayon sa hapagkainan. Wala, period. “Morning, babe, ang aga mo naman tumawag. Nag breakfast ka na ba?” Sagot naman ni Jake sa kausap sa kabilang linya na sinadya pa talagang i-loudspeaker ang phone para marinig ni Monica ang conversation ng dalawa. “Well, that’s exactly the r

