Nang maiparada ni Jake ang kotse sa parking lot ay ka agad niya na inabot ang na kabibili lang niya para sa nalalapit na wedding ng pinsan niya. "Wear this," utos niya matapos ihitsa sa mga hita ni Monica ang bagong bili lang niya na tuxedo na naka-plastic pa at pagkatapos ay lumabas ng sasakyan. Ayaw niya na may makakita dito na ganoon ang itsura nito. Walang imik naman na hinawakan ni Monica ang kulay itim na tuxedo at inalis sa pagkaka-plastic at sinuot iyon. Napasinghap siya sa gulat ng bumukas ang pinto at hinawakan siya sa braso saka sapilitan hinila palabas ng kotse. "Aray ko naman! Pwedeng sandali lang?" mataray na reklamo niya sa lalaki. Tila bingi ito sa daing niya at hindi siya pinakingan man lang. Hinila pa rin siya nito papasok sa loob ng elevator. Ramdam pa rin niya ang

