Jake!" gulat na sigaw ni Monica sa palangan nito matapos suntukin si Brian. At pagkatapos ay galit na itinulak niya ito sa dibdib. "Bakit mo sinuntok si Brian?!" Singal niya rito. Mas inartehan naman ni Brian ang himas sa mukha niya na sinuntok ni Jake upang kaawaan siya ni Monica. Lihim siyang ngumisi nang lapitan siya ni Monica at haplusin ang panga niya na namumula. "Okay ka lang ba, Brian?" nag-aalala na tanong nito sa kanya. Tila umuusok ang ilong ni Jake sa ginawa na iyon ni Monica. Seeing her checking Brian's jaw made his blood boil even more. Gusto niyang paduguin ang mukha nito hanggang mailabas niya ang lahat ng galit niya sa lalaki. "Get your hand off him!" Sigaw niya kay Monica dahilan upang mapukaw ang pansin ng mga tao na naroon. Napatigil ang mga ito sa mga ginag

