[KIM'S P.O.V.] Hell calling... Nagtataka ako kung bakit tumatawag si Hell nang ganitong oras. Madaling araw na at nakatulog na ako. Kahit nagtataka ay sinagot ko ang tawag niya. "Hello?" tamad na sagot ko. ["Where are you?"] "Natutulog ako kaso inistorbo--" ["Magkita tayo sa malapit na convinient store sa mansiyon ng mga Empire."] "Ha? Nang anitong oras?" ["Now. I'm giving you twenty minutes."] "Fine. tsk." saka ko binaba ang tawag. Tumayo ako at pumunta sa banyo para mag-hilamos at saka ako kumuha ng jacket at dahan-dahang lumabas ng kwarto ko. Madilim sa hall way ng second floor at tanging ilaw lang sa salas ang nagbibigay ilaw sa baba. Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay, hanggang sa makababa ako. Lumabas ako ng mansiyon at agad na tumakbo papuntang convinient store. Malap

