[CHRISTIAN MONTEREAL'S P.O.V.] "Bakit ba kasi ayaw mo pang magpa-kasal tayo?!"sigaw ni Mae sa'kin dahil sa inis niya. Napa-buntong hininga ako. "Sorry Mae, pero ayoko muna. Ayoko muna na magpa-kasal tayo." "Ayaw mo ba na matali sa'kin? O baka naman may ibang babae ka 'no?! Tapos hindi ka pa tapos makipag-break sa kanila kaya--" "Sshh. Hindi sa gano'n, Mae. Gusto ko kapag ikakasal tayo, maayos ang lahat."sabi ko. Hindi niya kasi naiintindihan kasi ayokong ipa-intindi. Hindi alam ni Mae na isa akong gangster teenager pa lang ako. Hindi niya alam kung anong klaseng mundo ang meron ako. Oo, halos 2 years na kami sa isang relationship. Pero ayoko pang magpa-kasal kami. Bading man pakinggan pero, natatakot kasi ako e. Paano kapag nalaman niya na isa akong gangster? Baka iwan niya ako. Alam

