[BRENT' P.O.V.] "Mama, you know what? My classmates are so kulit. Ugh." sabi ng anak ko kay Jess. She's already seven years old. Kami ni Jess ang naunang nagpakasal, bago sila Ayumi. Aster Sy is her name. Aster comes from a flower's name. Mahilig sa bulaklak si Jess e. "Paanong makulit?"tanong naman ng kakambal niya. Malakas talaga ang dugo naming mga Sy. May kambal akong anak e. Bren Dale Sy naman ang pangalan niya. Parang BRENT lang. Tinanggal lang yung letter T tapos dinagdagan ng Dale. Akala mo teenager na si Dale kung kumilos, pero seven years old lang din naman. Sabi nila Kent, mana daw sa'kin kasi seryoso ako dati masyado. Well, gangster. "E kasi Kuya, 'yung mga boys do'n, they're always keep annoying me. Ang hirap talaga maging beautiful. Kasi andaming may crush sa'kin don."a

