[AYUMI'S P.O.V.] MGDec28 was my email. Pero agad ko din naman iyong binura 'nung sinend ko na kay Hailey ang mga Profiles. Isa pa, kaya ko lang naman sinend ang mga iyon dahil nagda-dalawang isip pa 'ko kung sasabihin ko ba ang totoo kay Lei o hindi. Pero ito na nga, nasabi ko na naman kay Lei ang totoo e. I'm sure naman na alam na din nila Alexcia ang totoo. Umaga na, at kinakabahan ako ngayon kasi baka kausapin na ako nila Alexcia. Hindi muna ako papasok ngayon sa Dark Org. Yun kasi ang sabi ni Lei e. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. At saktong pagbukas ko, dumaan sa kwarto ko si Alexcia. Kinabahan na naman ako pero agad iyong napalitan ng pagtataka nang ngitian niya ako. By the looks of her smile? It's seems like true and not a plastic one. "Good Morning."bati ni

