[AYUMI'S P.O.V.] Papunta ako ngayon sa hide out ng Hell Gang. Bigla kasing tumawag si Shekinah at sinabing may gusto daw kumausap sa'kin. "Sino ba'ng kakausap sa'kin?"irita na tanong ko. I heard Shekinah sighed. ["Si Lead."] Nakaramdam ako ngayon ng kaba dahil dito. Kahit na kilalang-kilala ko na si Lead, 'di ko maiwasan na kabahan dahil nag-bago na s'ya. Mabuti nga at nakalimutan na ni Alex na magku-kwento ako kagabi sa kanya ng tungkol sa akin e. Masyado siyang masaya kagabi kaya nawala na sa isip niya ang tungkol doon. Hindi pa din ako handa na magsabi. Tapos ngayon, umagang-umaga kinakabahan ako. Nang makarating na ako sa hide out namin, huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Nadatnan ko naman silang lahat na naka-upo sa sala at nakita ko si Lead na nandoon. Bakit wala

