[ALEXCIA'S P.O.V.] Naayos na namin ang mga kalat sa campus. Nakauwi na din kami, sinabihan din namin ang mga estudyante na manahimik na lang at wag nang ichismis sa iba ang naganap kagabi. Alas-nuebe pa lang ng umaga, nandito kami'ng lahat ngayon sa bahay at nagiisip ng malalim. "Nasaan nga pala 'yung nahuli mo kagabi, Lhei?"t anong ni Cara. "Nasa attic, doon ko kinulong." "May nahuli kayo?" tanong ni Ayumi. Nalimutan kong nandito nga pala si Ayumi. "Oo. Mamaya papatayin ko na din." seryosong sagot ko. Mukhang nagulat si Ayumi sa isinagot ko. "Lumabas ka muna, iwan mo muna kami." sabi ko. Tumango na lang siya at lumabas. Nandito kami sa kwarto ko ngayon, soundproof naman ang kwarto kaya di kami maririnig sa labas. "I-lock mo 'yung pinto, Kean."utos ko. Sinunod niya naman. Mga naka-u

