[ALEXCIA'S P.O.V.] Nakabalik na ulit kami ni Kean galing bakasyon namin at ngayon naman ay papunta kami ngayon sa Dark Org. Building dahil naka-takas daw 'yung nahuli ko na unfortunately ay miyembro pala ng Hell Gang. Tsk. Apat na araw lang kami doon ni Kean at masasabi ko na nakalimutan ko din naman kahit papaano ang mga problema ko ng mga oras na 'yon at masaya ako 'nung nakasama ko si Kean. Siyempre, nainis ako 'nung nalaman ko 'yon. Wala man lang silang nakuha na kahit anong impormasyon doon sa Ranz na 'yon tapos nakatakas pa. Pero hindi ko naman magawang magalit kila Hailey. I won't blame them for that. Wala namang may kasalanan na nakatakas 'yung hinayupak na 'yon e. Kailangan lang namin malaman kung paano nakatakas 'yon. Nakita lang kasi nila Hailey na kinabukasan daw matapos nila

