MG 3: (Slave?!)

1284 Words
[Alexander's P.O.V.] "Mga brad~ Kaklase ko siya!" sigaw ko agad pagkakita ko kila Kean. "Sino? Yung babaeng pinahiya ka kanina?" panga-asar ni Justine saka tumawa pa sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Oo brad! Ayon! Kaklase namin! Ang ganda niya nga e." sabat naman ni Sydney. Binatukan ko nga. "Maganda pala yun? E kung naging babae nga ako, mas maganda pa ako doon." sabat ko. Nagkatinginan silang lahat bago tumingin sakin na nanglalaki ang mga mata. Bored ko lang sila na tinignan. "WAG MO SABIHIN NA NABABAKLA KA NA?!" sigaw nila Kean, Justine, Sydney, Christian, Kent, Laurence, at Brent. sabay-sabay pa talaga ang mga gago. Agad ko naman na binatukan sila. Mga lalaki lang kaming nandito sa tambayan namin sa school garden. "Mga gago! Anong nababakla sinasabi niyo?" bulyaw ko. Nagsilayuan sa akin ang iba. "E sabi mo kasi kanina, kung naging babae ka lang mas maganda ka pa dun kay Kim ba yun?"paliwanag ni Sydney. "Oo nga. E di ibig sabihin, gusto mo maging babae?" tangang tanong ni Kent. Sinamaan ko sila ng tingin. "Ulol! Pure boy ako! Straight 'to!" sigaw ko, hinahampas pa ang dibdib. "Ano pangalan nung babae, Sydney?" tanong naman ni Justine. "Kim Hyun ata?" di siguradong sagot ni Sydney. "Kim Ayumi Hyun." sabat ko. "Ayiiiieeeee~ Alam na alam! Hihi." pang-aasar ni Kent. Pucha! "Hoy Kent! Baka ikaw ang nababakla?! May pa-hihi ka pang nalalaman." diring sabi ko sa kanya. "Hoy! Para saan pa at may girlfriend ako?" pagyayabang niya. "Malay mo, kapag wala si Hailey nababakla ka." "Hindi ah!" depensa niya. "Oh ano nang plano mo ngayon at nalaman mo na kaklase mo na yung Kim na yun?" tanong naman ni Brent. "Uhm.. Ano bang pwedeng iparusa sa kanya?" tanong ko sa kanila. "Ang sama mo Alex e. Paparusahan mo agad?" reklamo ni Christian. "Hoy! Kung nag-sorry lang sana siya sakin kanina, e di ayos sana! E hindi! Siya pa yung nagagalit kanina! Keyso daw wala daw kakainin na yung Issa daw. Kaibigan niya ata. Hmp!" "Woah~ Chill brad." await naman sa akin ni Laurence. "How am I suppose to chill?! E kailangan ko pa siyang pahirapan e! Hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa babaeng yun! At--" "Tama na! Ang ingay mo e! Daig mo pa babae!" napatigil ako sa sigaw ni Brent. Napangiti ako ng alanganin. "Ay peace." "Tsk?" "E di pahirapan mo. Daming satsat.." sabat ni Justine. "Close tayo?" Bigla siyang tumayo at lumapit sakin. "Ngayon, close na tayo~ " masayang sabi niya kaya nabatukan ko siya. Humanda ka sakin, Kim Ayumi Hyun! Humanda ka talaga sakin! *** [Kim's P.O.V.] Nandito ako ngayon sa cafeteria. Break time kasi namin tapos sunod, vacant time namin. Ako lang mag-isa, pero bigla na lang sumulpot sa tabi ko sila Issa kasama ang dalawang alipores niya. Nakatingin sakin si Issa na abot hanggang langit ang taas ng isang kilay niya habang nakapameywang. Tsk. "Bakit ganyan ka makatingin?" mataray na tanong niya sakin. "Ah? Ako dapat nagtatanong nan sayo, Issa. Bakit ganyan tingin mo sakin? May iuutos ka ba ulit?" tanong ko, kinakalma ang sarili. Pinipigilan ko ang sarili ko na magtaray sa kanya. "Tsk. Bakit kumakain ka mag-isa ha?" mataray na tanong niya. "Wala naman kasi akong kaibigan e." sagot ko. Bakit naman niya tinatanong? May balak ba siyang samahan ako? "I don't care. Dapat bago ka kumain, nakakain na kami! Ugh!"sigaw niya. Medyo napairap ako. 'Bakit? Kailangan ko pa ba kayong subuan?' Gusto ko yan sabihin sa kanya, pero huwag na lang. "Sis, inirapan ka ata niya." rinig kong sumbong ni Lea. "Hindi ah." tanggi ko kaagad. "Iniirapan mo ako?" mataray na tanong ni Issa. Agad akong umiling. "Hindi." "Sinong papaniwalaan mo sis, ako o yang babaeng hampaslupa na yan?" mataray na tanong ni Lea. Malamang, kayo. "gwonli." bulong ko. (Gwonli= Right) "What did you say??" galit na tanong sa'kin ni Issa. "Nothing, Issa." sagot ko saka nagpatuloy na kumain. Gutom na kasi talaga ako, nananahimik ako dito tapos bigla silang eepal dyan. "Wag mo akong isnabin!" sigaw niya saka itinapon sakin yung pagkain ko. "dangsin jenjang!" galit na sigaw ko saka tumayo. (Damn You!) "Sinisigawan mo ako?!" galit na sigaw ni Issa. Nakita ko na nakakakuha na kami ng mga atensyon sa mga estudyante dito. Napamura ako dahil sa uniform ko nabuhos yung kinakain kong champorado. Bwiset! "Nakaka-bastos naman na Issa." paliwanag ko. Kumakain ako tapos bigla niyang itatapon sakin?! Wala na namang ibang mapag-tripan. "Aba at sumasagot ka na sakin ha?!" galit na sigaw niya lalo. "Hindi naman sa ganun, Issa. Kumakain kasi ako tapos bigla mong itatapon sakin yung kinakain ko." paliwanag ko. Isang sampal na naman ang natanggap ko. Naikuyom ko ang palad ko. "Ginagawa mo pa akong masama dito ha?! Kasalanan ko bang tanga ka at natapon mo yang kinakain mo sayo?!"csigaw niya. Tsk. Sinungaling. Porque alam niyang maraming nanonood. "Oo nga! Dinadamay mo pa si Issa sa katangahan mo!" sigaw naman ni Micah. Sa pagsampal pa lang niya sakin, masama na siya. "Alam mo Issa, gawin mo na lahat sakin. Basta ba, wag naman habang kumakain ako." walang ganang sabi ko. Akmang sasampalin niya ako dahil siguro pinapahiya ko na siya ngayon nang may biglang humawak ng kamay niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Alexander yun. "What are you doing to her?" cold na tanong ni Alexander sa kanya. Gulat ang reaksiyon ni Issa pati nila Lea at Micah, mga nanlalaki ang mata. "I--I... Uhhh... J-just t-trying to teacher h-her some l-lesson." utal-utal at kinakabahan na sagot ni Issa. "geojismal jaeng-i." bulong ko. (Liar) "Liar." sabi ni Alexander. Tsk. Naiintindihan ba niya ako? Korean na yun a? "I--I'm not! L-look! S-she even slapped my face." sabi ni Issa sabay hawak sa pisngi niya. Napa-irap tuloy ako. Ang arte a, galing naman talaga manloko e. "Listen. Kapag sinaktan mo pa ulit si Hyun, lagot ka sakin." banta ni Alexander kay Issa na ikinagulat ko. Tinutulungan ba niya ako?! Ugh! I don't need his help! "I-I'm sorry." sabi ni Issa saka hinila ang dalawang alipores niya at tumakbo. "What was that for?" inis na tanong ko kay Alexander pagka-alis nila Issa. And take note, Hyun ang tawag niya sakin. Really? "Helping you from the bullies?" animoy di siguradong sagot niya. Napa-irap ako, "I don't need your help. I can handle my self." sagot ko. "Just thank me, will 'ya? Tsk. E bakit ka nasampal kung kaya mo sarili mo?" sarkastikong sabi niya. "Pake mo ba? Wag kang umasta na akala mo alam mo lahat." sabi ko saka akmang aalis na ng magsalita ulit siya. "You'll be my slave." Ibinulong niya lang sakin yun kaya hindi narinig ng ibang nanonood sa'min ngayon. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. "What the hell?" ngumisi naman siya, "Kabayaran na yun sa pagbubunggo mo sakin kanina at pagpapahiya sa mga fans ko. Tsaka ngayon, dahil tinulungan kita sa mga babaeng yun." paliwanag niya. "First, aksidente yung pagbunggo ko sayo. Tsaka kasalanan ko bang, napahiya kita? Pangalawa, hindi kita tinawag para tulungan ako sa tatlong yun. Ikaw ang kusang lumapit sa'min." protesta ko. "Gusto mo bang lahat ng mga fans ko, bully-hin ka? Tapos kuyugin ka araw-araw? Pwedeng-pwede kong sabihin sa kanila yun." pananakot niya. Inis akong lumayo sa kanya. "Ugh! Fine! I'll be your--" sumenyas siya na huwag maingay? "Sssssh, wag mong isigaw, malalaman nila sige ka." bulong ni Alexander sakin. "Tsk." "By the way, call me Master Alex." utos niya. Umirap ako. "I want to call you Master Lei."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD