CHAPTER 12 EUFI "Sa susunod na buwan?... Oo nga, pupunta ako. Ang layo pa non... Kailan ba hindi?... Iba naman iyon... Sige na. I'll hang up. Darating nga ako." Napapailing na lang ako. I put down my phone pagkatapos kausapin ang pinsan ko. Ang kulit din ng lahi non. As usual may bulaklak na naman sa desk ko. Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan ang card na naka attached dito. Good morning honey. - DF Montalba Napapailing na lang ako. "Sinong may gusto nito?" Itinaas ko ang bouquet. "Ako!" Maraming kamay ang nagtaas. Ibinigay ko naman sa pinaka malapit. Napapailing na lang ako. "Isn't it rude kung ipapamigay mo lang iyong ibinigay sayo?" Tanong sa akin ni Doreen. Napangiwi naman ako. "Walang rude-rude sa tarantado." Sabi ko. "Alin ang mas rude, ipam

