CHAPTER 4
EUFI
"Does it hurt?" I can't help asking as I watch Shaunty apply the cream on the cut on her wrist. She smiled weakly.
"Oo but it's nothing compared to the pain here." She pointed where her heart is.
Napabuntong hininga na lang ako. That was deep.
"Do you still love that bastard?"
"Syempre, hindi naman kasi mawawala iyon basta-basta." Sadness is evident in her face. Nagiinit ang ulo kapag naalala ko ang mukha ng ex niyang tarantado. I so wanted to strangle that bastard's neck. How can he hurt Shaunty?
"Bakit pa kasi siya?" I ask but it's more like a rhetorical question. She heaved a sigh and put down her wrist.
"That's the sad thing about loving Beh, sabi nga sa kanta, kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kung 'di sundin ito."
"Korny." Tumawa naman siya sa komento ko.
I did not argue with what she said. Wala naman ako sa posisyon at mas lalong wala akong karapatang magbigay ng advice. It just saddened me na nasasaktan ang kaibigan ko. All I can do is be there for, for them at iganti sila ng sapak kapag niloko sila.
Ilang sandali pa kaming nagusap bago ako nagpaalam. May pasok pa kasi ako.
"Sige Beh, I have to go to work na." Tumayo na ako at kinuha ang bagpack ko. Dumaan lang talaga ako to check on her. I hugged her.
"Ingat." Inihatid niya ako sa pinto ng unit niya.
"Text me if you need anything." Bilin ko sa kanya. She nodded.
I walk through the hallway and stopped in front of the lift. I waited for it to open and when it did, 'Sana hindi na lang ito bumukas'. I muttered a curse.
"Look who's here? What a coincident." Malaki ang ngisi ng tarantadong gumambala sa akin noong nakaraan. I gave him a sarcastic smile. Balak ko sanang huwag na lang sumakay sa lift but then I won't let him think that I am intimidated with him. Isa lamang siyang malanding kulangot na nagbalat tao.
"What are you doing here honey?" Tanong niya na para bang close kami at matagal ng magkakilalang dalawa.
"None of your business." Mataray kung sagot.
"Tsk. Tsk. Ang aga mo naman magsungit honey."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Ayoko talaga ng tinatawag ako ng mga ganyang endearment ng kung sino sino. He sounded like a bystander sa mga kanto.
Hindi na ako sumagot baka akalain niyang gusto ko siyang kausap. The heck! The elevator opened. I saw a bunch of I think highschool students waiting. Pumasok silang lahat. Sa dami nila at napaatras na ako at nadikit sa katabi kong tarantado.
"Oh, the closer the better." He whispered to my ears. Nanayo ang balahibo ko sa batok.
"Lumayo ka." Bulong ko sa kanya na may pagbabanta.
"You know I can't." Ininguso niya ang mga estudyante nakapalibot sa amin.Para kaming tinapa na nagsisiksikan sa lata.
"Ugh! f**k you." Of course I did not say it out loud. He grinned.
"I'd love that honey." I shut my eyes tight. Ang halay nga naman ng isang ito.
Nararamdaman ko na ang pagtaas ng altapresyon ko. Bwisit! Bwisit! Why do I have to see his annoying face again?
I thank the heavens nang sa wakas ay nasa ground floor na. The lift opened. Nakipagunahan talaga ako para makalabas agad kahit nasa likod ako.
"Wait!" Narinig kong sabi ng tarantadong ang hirap bigkasin ng pangalan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sandali Ephorbia!"
Nanlalaki ang mga mata ko. I stopped mid track kaya naman ay naabotan niya ako. Did he just said me by my first name?
"What the hell!" Malutong kong mura. Only my parents and grandparent call me that. How did he even know my given name? f**k!
"Hey saan punta mo? I can drop you by." He was in all smiles.
"La-yu-an mo a-kong im-pakto ka." I said in controlled irritation. Kapag puno na ang salok kailangan ng saluki, I can hear FPJ's line in my head. Malapit na talaga akong mapuno sa kanya. I don't really have a long patience pagdating sa mga kagaya niya.
"I just wan't to give you a ride. Hindi ba dapat thankful ka? I am being nice with you kahit wala ka namang ibang ginawa kung hindi saktan ako." Madamdamin niyang saad in his loudest voice na dinig na dinig sa tahimik na lobby. If I am an anime nag-uusok na ang ilong ko and there is this black aura around me.
"The heck." Everyone's looking at us. He is doing this on purpose. Damn it! Umagang umaga nakailang mura na ba ako?
"Honey naman. Ihahatid lang kita promise." He said sweetly but I want to wring his neck.
"Bwisit ka." Frustrated kong mura. Eskandalosa ako pagdating sa mga tumatarantado sa mga kaibigan ko but I don't want this.
"Miss pumayag ka na. Kawawa naman iyong boyfriend mo." I heard someone said. Nagpantig ang tenga ko. I saw the bastard tried to hide his smile.
"LQ?"
"Ang gwapo ni guy, swerte ni girl hindi naman kagandahan."
Out of embarrassment I stomped my feet and walk out. Nakasunod sa akin ang ungas but I did not dare look back. Umagang-umaga kahihiyan ang inaabot ko.
Nang makalabas na kami ng condominium agad ko siyang hinarap at kinuwelyohan kahit na mas matangkad siya, tuloy nakayuko siya sa akin.
"Punyeta ka ano bang gusto mo ha?" Asik ko sa kanya habang naggagalaiti. Pinandilatan ko siya ng mata.
"I said I like you." Tumaas ang kilay ko.
"So?!"
"I wan't you to notice me." Nalukot na talaga ang mukha ko. Kung ipipinta ang mukha ko siguro abstract na.
He is insane!
"Gago ka ba?! Ay, mali gago ka nga pala talaga." Hiniglitan ko ang pagkakasakal sa kanya. "Pwede ba layuan mo ako masamang espiritu ka?" I said in my warning tone.
"Ikaw na tarantado ka, pag ako napuno sayo pasensyahan tayo." I give him my death glare pero hindi naman siya mukha natakot. In fact, he look amused and entertained.
"What did I do wrong to you? Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Ikaw pa nga itong may atraso sa akin." Takang tanong niya.
I smirked.
"You don't know me, do you?" Panggagaya ko sa linya niya sa akin noong nakaraan. Bahala na kung copycat.
"Oh I know your name. Euphorbia Yllana Magsino." Proud na proud niyang sabi na parang bata na pinag-recite ng guro.
Naningkit ang mga mata ko. I can see red. Ayaw na ayaw kong tinatawag sa buo kong pangalan.
He did not expect the next thing that I did.
"Aray!" Sapu-sapo niya ang tinamaan niyang panga. Sa panga siya tinamaan dahil iyon lang ang abot ng kamao ko.
"Tantanan mo na ako putang ina ka!"
Dahil sa tarantadong iyon na late pa ako sa trabaho. Imbyerna na imbyerna tuloy ako kaya naman lahat ng mga kasamahan ko ilag sa akin. Sa sobrang inis ko ang bilis ko tuloy natapos ang mga ginagawa ko. Ganoon kasi talaga ako maglabas ng inis.
"Bilis natin ah." Puna ng kapwa ko graphic artist. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Chill." Tumatawa niyang sabi habang itinataas ang dalwang kamay na parang sumusuko sa pulis.
"May nakaaway ka naman ba?" Chismoso din itong si Calderon.
"La kang paki." Sabi ko at inirapan siya. Tumawa lang siya. Sanay naman na sila sa akin. Kahit na may attitude ako hindi naman nila ako pwedeng sisantihin dahil efficient ako pagdating sa trabaho ko.
"Hay nako Eufi kulang ka lang sa lovelife." Sabi ng isa ko pang kasamahan. Umasim na lang ang mukha ko.
"Salamat na lang no." Pabalang kong sabi.
"Sagotin mo na kasi tong si Calderon." Susog ni Melvin. Napataas ang kilay ko at binalingan si Calderon. He looks caught off guard.
"Nanliligaw ka sa akin?"
"H-ha? A-ano--- hala hanap na ako ni Miss Kikay!" Kumaripas na siya ng takbo.
Nagtawanan naman ang mga nakarinig sa usapan. Napailing na lang ako. I was just kidding him pero ayon nataranta. My evil self, laugh inside like a witch.
Lunch came. Sabay-sabay kaming mga graphic artist na kumakain kaya naman nagkayayaan ng bumaba para lumafang. Nagugutom na din ako. Sobrang na utilize ang brain ko sa dami ng tinapos kong trabaho. We decided na sa canteen na kumain nakakatamad na kasing lumayo pa.
Mabilis lang naman natapos ang lunch break at balik na ulit sa trabaho. Kawawang Calderon napagtripan noong lunch. Pulang-pula ang mukha niya habang inaalaska nila Melvin, isa sa pinaka matagal na sa amin dito. Alaskador din kasi tong mga kasama ko palibhasa karamihan mga lalaki.
Dahil maaga kong natapos ang mga projects na assigned sa akin pa-chill chill na lang ako habang naghihintay ng uwian. I checked my f*******:. Matagal-tagal ko ng hindi iyon nabibisita. I am not into social media kasi. Suddenly, a pop up notification appeared on my phone screen.
Devereaux Felipe Montalba III sent you a friend request.
The profile picture is a man wearing a board shorts while holding a surfing board. I frowned when I realized who sent me a friend request. Of course matic na, I pressed delete instead of confirm.
I am actually a very private person limited lang friends ko sa f*******:. I only add those are my friends in real life.
Five pm strike. Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga tao sa mga cubicle nila. Dahil tapos naman na akong maglinis at mag-ayos ng lamesa kinuha ko na lang ang bag ko.
"Oh paano. I'll go first." Paalam ko sa kanila.
Me and the girls will have dinner tonight. Kakain kami sa restaurant ni Shaunty.
I checked my phone wala namang mensahe. I heaved a sigh.
Lumabas na ako ng building and started walking papuntang sakayan ng jeep. Yes, ladies and gentlemen, I am an average office girl. Maybe you're asking how come I became friends with my girl friends when they are all elites. Mahabang paliwanagan, tinatamad ako.
Nakasuksok ang earphone sa tenga ko at walang pakialam sa paligid na naglalakad whe a black BMW stopped on my side. I'm just gonna ignore it when the window roll down. The moment I saw who's behind the wheels nagbeast mode on na naman ako.
"Ikaw na naman?!