CHAPTER 31 EUFI Pinagtabuyan nila ako sa kusina kahit anong sabi ko na nagugutom na ako. Sinamaan ko naman ng tingin si Devereaux bago padabog na umalis. Ngayon nga ay nakaligo na ako at nakapagpalit ng matinong damit pero hindi parin ako bumaba. Kinalimutan ko na ang gutom dahil sa kaba at kung ano pang emosyon na nagpaaligaga sa akin. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Paano siya nakarating dito? Sinundan niya ba ako? Sila Shaunty lang naman ang may alam na uuwi ako. Then, I remember baka si Geneva na naman ang may pakana. s**t talaga! "Eufi!" Napatalon ako ng marinig ang boses ni Ephraim sa labas. Kinatok niya ako. "Bumaba ka na daw." May halong panunukso sa boses niya. Bwesit talaga! Kaya naman pala panay ang puna nila sa ayos ko. Nakakainis lang. Hindi ko tuloy alam

