CHAPTER 24 EUFI Alam mo iyong pakiramdam na kung ano ano ng naiisip mo? Gaya ngayon, iniisip ko na sana isa na lang akong upuan sa harap ng pamilya ni Devereaux. "Kumain ka pa hija. Don't be shy." Ayan na naman ang kakaibang ngiti ni Juana Montalba. How can I eat kung halos hindi ko manguya ang pagkain? Ilang mura na ba ang nanguya ko sa isip ko? Pinandilatan ko si Devereaux nang nilagyan niya pa ang plato ko ng pagkain. Ang hudyo hindi naman nakuha sa tingin. "Eat honey." s**t! Kinilabotan ako sa pinagsasabi niya. "Aren't they sweet darling?" Sabi ni Juana Montalba sa asawa nito. "Parang tayo lang dati." Doon na ako nasamid. "Hey careful." Sabi ni Devereaux habang hinihimas ang likod ko. Bwesit talaga! Para namang siyang siya ang hudyo sa paghihirap ko. Ku

