C H A P T E R 40 Third Person's POV Huminga muna nang malalim si Erris Lily at dumilat. Sa pagkakataong iyon nagliparan ang kumpol ng mga ibon mula sa mga puno, naramdaman niya na ang malakas na kapangyarihan sa mismong mga kamay niya. Itinaas niya ang parehong mga braso at pumikit nang mariin. Ngumisi nang mapang-asar si Skyla sa tanawin na kasalukuyan nilang pinanonood sa malayo, mula sa kinatatayuan nilang burol. "Kanina pa siya diyan pero bahay lang ang kaya niyang likhain, kaya niya ba talaga lumikha? Sa tingin ko hindi." "Pwede ba, Southdoll? 'Wag ka nga magmarunong diyan, siguro pagod lang siya ngayon at gutom. Masyado ka talaga." Inirapan ni Eicine ito at nilingon muli ang kakambal sa gitna ng kagubatan sa ibaba. Kanina pa nila ito pinanonood, sinasanay ni Erris ang kapan

