C H A P T E R 32 Erris Lily's POV "Hindi kami nandito para manggulo." "Hindi namin kayo susugurin, 'no! Duh?" "Kailangan lang namin ng pagkain!" "Tama! Pagkain! Paubos na ang pagkain sa mga lands at dahil sainyo 'yon!" "Bakit ninyo tinigil ang pagpapadala ng pagkain, papapatayin niyo ba kaming lahat?" "Ngayon alam niyo na siguro na hindi g**o ang pinunta namin kundi kasagutan!" "TAHIMIK!" Nakakabinging sigaw ni Jino. Nag-apoy ang mga palad nito at parang pati ang mga mata ay nanlilisik at nagliliyab sa galit. Talagang natahimik ang mga representatives doon na sabay-sabay nagrereklamo. Pati ako, nagulat ako, kasi hindi ko pa nakikita si Jino na magalit nang sobra. Ngayon lang. Oo, kanina parang ang saya-saya ko kasi nandito siya. Tuwang-tuwa pa ako na gusto ko pa siyang lapitan at

