C H A P T E R 24 "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa natin tumakbo! Makikita at makikita pa rin naman tayo nung Ella!" Sigaw ni Warren sa 'min. "Oo nga! Pero subukan mo kayang tignan kung ano iyong humahabol sa 'tin na sinasakyan ni Mercury,kaya kailangan natin tumakbo!" Balik na sigaw ni Aaron na may iritasyon na sa tono. Si Mariella hindi na namin makita kung nasaan. Pero si Mercury nakasakay sa kung anong nilalang na may higanteng katawan at walang mukha kundi usok lang na itim na humahabol sa 'min ngayon. Medyo mabilis ito at maingay pa. "Aaron! Paano na? Maaabutan na niya tayo!" Sigaw ko. Literal na natatakot na rin ako, itong Mercury kasi mukhang demonyo na ang ngiti. "Kung umakyat tayo ng puno?" Ani Farrah na sobrang putla na. "Wag! Kita mo nang mas malaki pa sa p

