C H A P T E R 22 Sinulyapan ko ang bintana bago dumiretso sa hapag-kainan. Malapit nang magdilim kaya sabay sabay na kaming naghapunan. Si Aaron ay naggising na mula sa pagkakawalan ng malay kaninang tanghali. Lahat kami ay nagtaka kung ano ba talaga ang nangyari, pinuntahan ko pa nga sila Aspen at Flint dahil nga sila ang naabutan namin ni Luke na kasama ni Aaron bago ito matumba. Kaso ang dalawa, hindi man lang makausap ng maayos. Si Aspen na lumabas bigla sa bintana, kailangan niya daw i-stretch ang mga pakpak saglit. Si Flint naman na umiiwas at biglang lulusot sa kung saan-saan. Nahalata ko talaga na may ayaw silang sabihin. Hindi ko na pinilit iyong dalawa, ang sabi rin ni Luke at Eicine ay baka daw pagod lang si Aaron sa nangyari kahapon sa kakahuyan. Baka daw nahilo ito at kulan

