"Good morning." Bati sa'kin ni Matt, pagkababa ko pa la'ng ng hagdan. Tipid na ngiti la'ng ang ginanti ko.
Pinaghila niya ako ng upuan, "Salamat," ako
"Gutom ka na ba, Erris?" Matt, "Saglit na la'ng 'to, nasira yata kasi 'yung stove-- BRO, APOY NGA!" Sigaw nito at parang may tinatawag sa labas nitong Dining Area.
Huh? May iba pa ba kaming kasama dito?
*Ooh-Ooh-Ah-Ah!* Ingay ng unggoy. Oo nga pala, 'yung alaga niya. Pero bakit niya naman doon hinahanap 'yung apoy.
Lumapit 'yung unggoy sa lamesa at sumayaw-sayaw pa.
"C'mon bro, gutom na kami ni Erris. Gimme some fire!" Matt
I frowned. May kapangyarihan 'yung unggoy, tama ba?
Biglang tumalikod yung unggoy niya saka tumuro yung buntot niyang mahaba sa ibabaw ng stove. Maya-maya nagbato bigla iyon ng apoy.
Napaawang ang bibig ko. So..
"Thanks, bro!" Nagbro fist pa sila ng unggoy ni Matt saka nagluto na ulit si Matt.
"Nasaan nga pala ang pet mo, Erris?" Matt habang nagluluto
"Huh? Pet?"
"Yea." Matt.
Pet? "Pet na may..powers ba? Katulad ng unggoy mo?"
Tumingin ito saglit sa'kin saka tumango at nagluto ulit. ''Wag mo sabihing wala ka 'nun. .'' Matt
Mundo? Mundo la'ng yata nila. "Except me. Wala akong ganiyan dahil galing ako sa Magic Paradise at mayro'n la'ng kami doon na Magic-Partner. At tao 'yon..hindi hayop." Sagot ko. Umiling na nakangiti na lang si Matt habang naglalagay sila ng unggoy niya ng mga plato sa harap ko. Lamesa.
Hindi na naman siya naniniwala. *sigh*
''Ganun ba? Magic Paradise? Pfft.'' Natatawa nitong sabi saka umupo na at nagsimula na magsalin ng kanin sa plato ko. Inirapan ko siya. Anong nakakatawa, bakit ba kasi nangyayari sa'kin 'to?! ''Kung..uhm..well, kung galing ka nga doon paano ka naman nakapunta rito? Ano, time-travel? Pfft.'' Matt
''Pwedeng 'wag ka tumawa? Wala naman kasing nakakatawa. Hindi ako sinungaling at hindi ako baliw gaya ng iniisip niyo. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito, at talagang naiinis na ako sa'yo!'' Naiinis na saad ko. Nanlaki naman parehas ang mga mata nila nung unggoy niya saka naging seryoso na parang natatakot sa'kin.
''Okay, okay. Kalma.'' Nakataas ang dalawa nitong kamay habang natatawa, at ganun rin ang ginagawa ng unggoy niya. ''Pero..sige sabihin na natin na..ehem, galing ka nga sa Magic Paradise, paano nga na napunta ka rito? 100 years? Seryoso, Erris?'' Nagpipigil parin ito ng tawa.
Umirap ako saka tinusok ng tinidor ang ulam. ''Di ko alam, basta nagising na lang ako na nasa loob ako ng gubat at dumiretso ako sa bayan malapit dito.. Tsaka bakit natatawa ka sa Time-travel, e pwede naman mangyari 'yon.'' walang emosyon na sabi ko at kumain.
''Walang .. ganon dito. Elemental powers la'ng ang nag-eexist, Erris. Kahit naman yata noon, walang nag-eexist na iba pang kapangyarihan bukod sa elemental powers.'' Matt
''Anong ibig mo sabihin? Kahit mind-reader wala rito?''
He frowned. ''Wala naman katotohanan 'yon.''
Napakunot-noo ako. ''How about, unicorns, pegasus, fairies and elves? Don't tell me..''
''Tch. May aning ka na nga talaga. Alamat la'ng ang mga 'yon ng mga naunang tao rito. Ang meron la'ng ay mga tao na kaya la'ng lumipad at may alagang hayop na may kapangyarihan. That's it.'' Matt
''Ibig rin sabihin..wala kayong kapangyarihan? Tanging mga hayop niyo la'ng?!'' Gulat na tanong ko. Ano ba kasing lugar 'to?! Ang weird! Bakit naman nagkaganito? Samantalang, noon .. paramihan ng kapangyarihan.
"Hindi lahat ng tao dito sa mundo may ganiyang alaga. Pili nga lang ang mga merong pets, mailap sila hulihin bago mo maging alaga."
Tumango la'ng ako. Namamangha na rin ako. Hindi rin naman ito nalalayo noon, 'yun nga la'ng..mas maganda yata .. 'yung ngayon.
''Teka, ano ba mayro'n sa mundong 'to? Bukod sa .. sa ganiyan, sa hayop..ano pa ba ang .. ang dapat ko malaman?''
Suminghap naman ito at tinakpan pa ang bibig niya gamit ang dalawang palad na parang bakla. Siyempre, ano pa ba gagawin ng unggoy niya? Yea, ginaya.
''Ano! Psh.'' Para kasing mga baliw.
''Totoo na ba 'to?! Bukod sa kinausap mo na kami ni bro ng matagal-tagal, inabot na tayo ng ilang minuto sa pag-uusap, at NAGTATANONG ka na rin ngayon?! Interesado ka na sa mundo, sawakas! Congratulations, ma'am come again.'' Sobrang ngiting-ngiti na kinuha niya pa ang kamay ko sabay shinake-hands. Ako pa ngayon ang baliw? Tignan niyo nga ang isang 'to, seryoso ang usapan bigla magiging ganito!
''Sagutin mo 'yung tanong ko ng matino kung ayaw mo masaktan. Ngayon.'' Walang emosyon na sambit ko sabay taas ng kamay ko na may hawak na bread knife. OA na nanlaki naman ang mga mata niya, siyempre pati nung unggoy na doble cara sa balikat niya.
''Ito na nga, magkwekwento na, masyado ka naman hot,'' Matt. Inirapan ko ito at inambaan na sasaksakin ng bread knife na hawak ko kaya napaatras siya sa kinauupuan niya, ''HOT ANG ULO. MAINITIN ang ulo, ibig ko sabihin! Hehe, 'kaw naman.''
''Ayaw mo talaga?'' Ang dami pa sinasabi, ikwekwento na lang kung ano pa ang kababalaghan rito sa mundo nila ang dami pang satsat!
''Ito na! Itong mun--'' Matt
Hindi niya na natuloy ang pagkwekwento nang magpapansin ang alaga niyang unggoy sa harap namin rito sa lamesa at pinagtuturo ng mahaba niyang buntot ang .. grandfather clock.
Medyo kulang sa pansin rin 'tong alaga niya, 'no.
''Oh. Thanks, bro. We almost forgot her.''
''Sino?'' tanong ko.
''Friend of mine. Woah, namiss ko ang bituin na 'yon, ah.'' Matt..
Okay?
''So..ano mayro'n sakaniya?'' tanong ko.
''Dito ang diretso niya ngayon, since tapos naman na ang Rare Hunting Season. Susunduin namin siya sa town, alis na kami.'' Matt
Napatayo ako bigla, ''Wait!'' Dumiretso ako ng sink at naghugas ng mga kamay. ''Sasama ako sa town na 'yan.''
He raised his eyebrows. ''Talaga? Bago 'yun, ah. Parang dati la'ng wala ka pa pakialam'' Matt
I rolled my eyes.
Madaldal rin ang lalaking 'to, 'no.
>>
Buong paglalakad namin, nakatitig la'ng ako sa paligid. Nagmamasid.
Parte ito na side ng dagat. Sa left side matatanaw ang malawak na dagat, sa gilid naman ay ang mga pamilihan na.
Nung una napasinghap ako.. parehas kasi ang hitsura sa mortal world. Naninibago rin ako kasi wala akong makita na lumulutang na bagay, except sa mga lumulutang na tao.
Nasanay na kasi ako na sa bawat market o bayan o kahit saang pamilihan makakakita ako panigurado ng isa o maraming levitator na kayang magpalutang ng bagay na binebenta nila.
Pero dito..*sighs* Wala.
Maraming tao ang nakamasid sa dagat, sobrang dami.
Hinawakan ni Matt ang braso ko saka hinila sa maraming taong part. Nakangiti na nagmasid rin siya sa dagat.
''Anong ginagawa mo?'' naguguluhan na tanong ko rito. Medyo nilakasan ko rin ang boses ko dahil maingay talaga rito na parang walang awat yung mga tao sa pagkwekwentuhan. ''Anong ginagawa niyo?'' Tanong ko kay Matt at tinuro ko pa ang marami pang tao. Na sa 'di ko malaman na dahilan ay nanunulak at talagang nakikipaggitgitan.
''May hinihintay. Dito ka la'ng, Erris. Bibili ako ng paborito niyang pagkain, dito ka la'ng, ah.'' Matt
Aalma pa sana ako dahil hindi ko nga kabisado ang lugar tapos iiwan niya ako rito. Pero nakaalis na sila. Sana iniwan niya man lang yung kulang sa pansin niyang unggoy, para kahit mawala kami alam naman siguro nung unggoy yung daan pabalik sa bahay ni Matt.
Muntik na akong mapasubsob nang may tumulak sa'kin. ''Umalis ka nga diyan! Ako diyan sa pwesto mo, babae!'' Masungit na matandang babae. Umusod na lang ako ng kaunti at nakigitgit nga siya.
Sobrang dami kasing tao dito ang mukhang naghihintay rin tulad nung ginawa ni Matt. Pwede naman kasi sila magkaisa at 'wag maggitgitan,
barko siguro 'yung hinihintay sa dagat.
Pero maya-maya may humila naman sa balikat ko, ''Aray! Ano ba!'' Inis na sigaw ko. Lalaki kasing matanda 'yon. Bastos!
''Nakakaharang ka riyan, aber! Hindi ko makita ang dagat! Hinihintay ko ang anak ko, hala umalis ka riyan!'' Matandang lalaki at hinatak na nga ako paalis sa pwestong 'yon.
Siksikan na masyado kaya umalis ako sa parteng 'yon at lumayo.
Bwisit! Ang sasama ng mga ugali!
''Nasaan na ba si Matt?!'' Bulong ko. Hinanap ko siya sa bawat stalls. Hanggang sa makalayo na nga ako sa tapat ng dagat na pinaghihintayan ng kung ano man na darating.
Hinanap ko ang daan pabalik, pero hindi ko na makita. Puro stalls na 'to.
Kaya lumapit ako sa babae na nagpapack yata ng mukhang uling., ''Ale, pwede po magtano--''
''MAGTATANONG KA?! KITA MO NA ANG DAMI KO GINAGAWA, BUTI SANA KUNG KIKITA KAMI NG MALAKI RIYAN SA PAGTATANONG MO! LUMAYAS KA KUNG HINDI KA BIBILI RITO!'' Galit na sigaw nito.
Natakot naman ako kaya 'yung nakita ko na batang naglalaro na la'ng ang nilapitan ko. Batang babae.
''Bata, nasaan ba 'yung pwestong pinaghihintayan rito? 'Yung tapat ng dagat..alam mo ba kung saan?'' Tanong ko.
Hindi 'yon sumasagot. Patuloy lang siya sa paglaro sa hawak niyang manyika. Inulit ko 'yung tanong pero tinitigan niya lang ako. Bingi ba 'to?
''Hindi ko alam kaya manahimik ka na.'' Bata
Ano?! Ugh! Bakit ganito ba ang mga ugali ng mga tao dito?! Mapa-bata o matanda. Lalaki o babae! Ni-wala nga ang nakangiti!
Napailing na lang ako sa pagkamangha sa mga masasamang ugali ng mga tao rito at naglakad-lakad para maghanap hanggang sa..
''Ouch!''
''Aray.''
May nakabungguan ako. Parehas kaming napasalampak sa sahig.,
''Sorry, sorry. Hindi ko nakita na padaan ka..sor--'' Paghingi ko ng pasensiya pero napatikom agad ako ng bibig nang biglang may tubig ang tumapon sa mismong mukha ko.
''Para sa kabobohan mo then. Kapal mo na bungguin ako! Hmp!'' Rinig kong sabi nito. Pinunasan ko ang mukha ko at nakita na .. ang daming tao na nakapalibot sa'min, at ang daming tao na tinulungan siya makatayo samantalang ako.. binibigyan la'ng nila ng masamang titig!
''Hindi ko naman talaga sinadya! Wala ka naman yatang karapatan na tapunan kaagad ako ng tub--'' sigaw ko pero hinila na kaagad niya ang buhok ko patayo.
''Sumasagot! Ako ang walang karapatan?! KARAPATAN ko ang lahat dito! Dahil saakin galing ang yaman at pangalang tanyag ng Land na 'to! Kaya, banggain mo na ang lahat, 'WAG. LA'NG. AKO! Naiintindihan mo?!'' Inalog-alog niya pa ang kamay niya na mahigpit ang hawak sa buhok ko. Pinipilit ko naman na kumawala kaso ang sakit ng pagkakahawak niya!
Bwisit! Naaapi na naman ako! Urgh!
''Star Avello! BITAWAN MO SIYA! NGAYON NA!''
Isang nakakapanindig balahibong malakas na boses ang aming narinig. Isang pamilyar na pamilyar na boses.
Bahagya akong nagulat nang biglang magpurong-itim ang mga mata ng babae na sumasabunot sa buhok, naging blanko ang mga mata niya. Para siyang sunud-sunuran na walang imik na bumitaw sa buhok ko at yumuko.
Nagulat na la'ng ako nang may mainit na kung ano ang dumampi sa braso ko at hinihila na ako palayo sa lugar na 'yon.
Tinignan ko kung ano ba 'yon o kung sino ba 'yon,
Babaeng pulang-pula ang mahabang buhok, hindi ko makita ang mukha dahil hinihila niya pa ako.
Pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.. pakiramdam ko .. may iba.
Huminto kami bigla sa hindi matao na lugar at humarap siya sa'kin..
Siya.. na ikinagulat ko kung sino.
''Eicine?!''
To be continued...