C H A P T E R 15 Erris' POV Totoo ba talaga 'to? Sila Aspen at Flint? "Aray, Lily! Maliit lang ako ngayon, dahan-dahan." Reklamo ng cute na cute na si Flint sa katauhan at katawan ng daga. Kumalas ako sa yakap at hindi pa rin makapaniwala. "Seryosong kayo 'yan? Namiss ko kayong dalawa!" Masayang sabi ko sakanila. Kahit ang awkward na isa silang daga at ibon ngayon. "Kami 'to. Pruweba ba?" Mukhang natutuwang biro ni Aspen sa katawan ng pet ni Eicine na ibon na maganda. "Oh pruweba, you and Warren kissed on the roof." Napanguso ako at pinandilatan ang mga ito ng mata. Nilingon ko si Eicine sa hiya, kung anong reaksyon niya? Naguguluhan. "Sandali, anong nangyayari?" Ani Eicine. Nanliliit ang mga matang tinututukan nito ang mga hayop sa harap na... nagsasalita. Oo nga pala.. kahit na

