"maraming salamat sa lahat nang naki isa sa pagdiriwang nang kaarawan ng aking anak na si Camille." Bungad na pagpapasalamat ng ama ni Camille sa microphone, sa lahat ng bisita na naroon.
"happy eighteen, birthday anak!
Sana'y matupad mo Ang lahat ' ng
mga pangarap mo. Mahal na mahal ka namin ng mommy mo. Palagi lang kami nandito para sa'yo anak.. "
muling pagsasalita ng ama nito .
At pag katapos mag salita nilahad nito ang kamay sa anak upang maging first dance nang debutant.
Nakangiting tinangap ni Camille ang kamay ng ama, at nagsimula Silang sumayaw.
" Thank you! Papa.." tipid na pasalamat nito sa ama. Kasabay nang nangingilid na mga luha sa mga mata.
Ngumiti naman ang ama nito. At marahang pinunasan ang ilalim ng mga mata ni Camille. Upang mapigilan ang pagbagsak ng luha nito.
" Shh... Don't cry baby... pa-pangit ang make-up mo n'yan sige ka! " Pag bibiro ng ama nito.
"Papa naman! Maganda parin ako kahit wala akong make-up!" Ganti niyang Pagbibiro na sagot sa ama. Natawa naman ng mahina ang ama.
" Of course, baby! Ikaw ang pinaka maganda sa lahat!" Yumakap si Camille sa ama nito. " 'Yan ang gusto sa'yo papa, Number one fan talaga kita e!
Pero totoo naman maganda ako di'ba? 'Yun lang, di ako matalino."
"Sino naman ang may sabi sa'yo n'yan? At kahit hindi ka man matalino, proud na proud sa'yo si papa. Proud na proud ako sa'yo anak.."
" Syempre, papà kita! Kaya proud na proud ka sa'kin, Sorry talaga papà kung madalas akong nagiging sakit ng ulo n'nyo ni mommy. Pero mahal na mahal ko po kayo ni mommy papa. At salamat po sa lahat lahat ng sakripisyo n'yo ni mommy sa'min ni ate."
" Responsibility namin mga magulange n'yo na bigyan kayo ng maayos at maginhawa na pamumuhay, Kung madalas ka man pagalitan ng mommy mo, part lang 'yon ng pagdidisiplina n'ya sa'yo at sa ate mo, pero mahal na mahal kayo ng mommy n'yo. Kayong dalawang magkapatid ang kayamanan namin, Kaya mahal na mahal namin kayo anak."
" Papa naman e, mas lalo mo naman akong pinapaiyak! 'Yung make-up ko!"
Pagkatapos siyang maisayaw ng ama, Sunonod naman ang ilang malalapit na kaibigan lalaki niya. At sa ika labing pitong pulang rosa ay si Alex ang isa sa masugid na manliligaw niya. Si Alex din ang pinaka gusto ng mommy niya sa lahat nang nanliligaw sa kanya. Bukod sa gwapo at matalino, mayroon din itong ipagmamalaki sa buhay. Dahil sa ang mga magulang nito ay may-ari nang isa sa pinaka kilalang banko sa pilipinas, Kaya gustong gusto ng mommy niya bumibisita si Alex sa bahay nila. Asikasong asikaso ito ng ina niya.
"You are so beautiful!" Ani Alex sa kanya habang pumapaimbabaw sila sa malamyos na musika.
"Thank you!" Tipid na sagot niya.
"Wala ba s'ya dito?" Tanong ni Alex kung inimbitahan niya ang kasintahang si Roldan.
"Wala, for sure kasi magagalit si mommy if I invited him. Alam mo naman si mommy, ikaw ang gustong gusto n'un!"
"Bakit kasi hindi mo nalang sundin si Tita, ako nalang ang mahalin mo? Joke!"
"Kung pwede ngalang na Tyrian ko ang puso ko na mahalin kita, matagal ko na ginaw. Kaso mahal ko talaga si Roldan, Sorry talaga.."
"It's okay, beside hindi mo naman ako pinaasa. Ako lang naman ang umasa na baka magustuhan mo rin ako. Pero wala e, 'yung lalaki na 'yon talaga ang mahal mo, so, I guess.. I should congratulate him for winning your heart! Basta pag pinaiyak ka ng loko na 'yon, Sabihin mo lang sa'kin kaagad at ako ang bahala sa isa na 'yon!"
"Salamat! Pero Hinding hindi ako sasaktan ni Roldan dahil mahal na mahal n'ya ako."
"Dapat lang! Dahil pagnabalitaan ko na sinaktan ka n'ya, babawiin kita at Hindi na kita ibabalik sa kanya."
"Touch naman ako sa'yo, Alam mo ang swerte ng babae na mamahalin mo."
"Ang swerte talaga, at ang ganda pa ng babae sa harap ko ngayon!"
"Ang bad mo! nangungunsensya ka."
"Tumatalab ba?"
Mahinang pinalo ni Camille ang balikad ni Alex."Grabe ka sa'kin, ah!" natatawa na sabi niya. Maging si Alex ay napatawa rin, May kinang ang mata naman ang ina ni Camille na pinanunuod sila sa isang gilid. Ang buong akala ng ina niya ay may espesyal na namamagitan na sa kanila ng binata.
Maraming dumating na kamag anak, kaibigan sa kaarawan ni Camille. Naramdaman niya na medyo napapagod na ang panga niya sa pag ngiti sa mga tao na bumabati sa kanya.
Kahit hindi naman nito kakilala ang ibang dumalo sa kaarawan niya kailangan niyang makipag usap at alayan ang mga ito ng malapad na ngiti.Sumakit din ang paa niya, dahil hindi naman siya mahilig mag suot ng sandals na may heels. Sabayan pa nang pag sayaw sa kanyang 18th roses. kaya naman nag pasya siyang pumasok muna ng silid. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng Kama. At tinawagan si Roldan dahil nakita nito na may missed called ang kasintahan.
" Hello! Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo, busy lang kanina. May problema ba? tanong niya nang sagutin ni Roldan ang tawag niya.
" W-wala. wala namam, Ahm.. nandito ako sa labas ng bahay n'yo. Gusto ko Sana ibigay ang regalo ko sa'yo." Nahihiyang sagot ni Roldan.
" Nasa labas ka? Sige, sige, Lalabas ako." Masayang sagot niya. Nagmamadaling bumaba si Camille papunta sa kusina at nag hanap ng tuperware. Naisip niya na pauwian ng pagkain si Roldan, tutal ay naroon na din naman ito.
" May hinahanap ka hija?" Takang tanong ng may edad na ginang na kasambahay nila.
" Uhm.. Tupperware po, nanay Lina. nasa labas po Kasi si Roldan, papauwian ko sana ng kaunting handa. Ngumiti ang ginang kumuha ng dalawang tupperware, nag lagay ng spaghetti at salad. Supportive sa relasyon nila si nanay Lina. Natutuwa ito kay Roldan dahil sa magalang at mabait na bata daw ito. Si nanay Lina. din ang naging daan kaya nag kakilala sina Roldan at Camille. Madalas si Roldan Ang nagiging service ng ginang kung kaunti lang naman ang papamalengkehin. Si nanay Lina lang din ang pinag sabihin ni Camille sa relasyon nila. " Oh, okay naba Ito hija?" Nakangiting iniabot ni nanay Lina, Kay camille ang paper bag na naglalaman Ng tupperware. Nakangiting tinangap ni Camille ang paper bag at nag pa salamat sa ginang, naka ngiting lumabas si Camille ng kusina.
" Roldan!" Tawag ni camille sa kasintahan. Mabilis nman Napa lingon si Roldan sa gawi ni Camille. Nakangiting Inabot niya ang paper bag kay Roldan. " Para sa mga kapatid mo, at nanay Nimfa. kaunting spaghetti at salad, sabi ni nana Lina kamusta ka na daw?" Nahihiyang tinangap ni Roldan ang paper bag, kapagkuwan ay may inabot ito sa kasintahan. "Ano to? Bakit gumastos ka pa para bilan ako ng regalo?"
" Maliit na bagay lang 'yan, mine, isa pa gusto ko talagang bigyan Kita ng regalo, Mamaya mo na buksan pag nasa kwarto kana ha. Nakakahiya Kasi.. Pag pasensyahan mo na ang nakayanan ko ha." Nakangiting kinuha ni Camille ang regalo ni Roldan at marahang pinisil ang tungki ng ilong nito. At humalik sa pisngi ng kasintahan. Nagulat naman si Roldan nang gawin iyon ni Camille, First time ni Camille gawin ang bagay na iyon. At kahit si Roldan ay hindi pa siya nahahalikan kahit sa pisngi.
" Palagi mo na lang pinapababa ang sarili mo, Ang sabi ko sa'yo di'ba lahat ng galing sa'yo mas mahal pa sa ibang material na bagay. " mas lumapit pa si Camille sa kasintahan at yumakap, pinag hiwalay naman agad ni Roldan ang katawan nila sa yakap na iyon. ayaw nito na pag isipan siya na Kung anong bagay. Lalo pa at may makakila sa kanila.
Kinuha nito Ang kamay ni Camille at pinag saklob Ang mga Ito. Nasa ganoon silang posisyon Ng dumating Ang Ina ni camille.
"Camille! hindi ba sinabi ko na sa'yo tigilan mo ang pakikipag relasyon sa lalaki na' yan!" Malakas nas sigaw ng Ina ni Camille ang pumukaw sa atinsyon nila ni Roldan. Habang mag kahawak ang kanilang mga kamay. Sampal, sabunot ang natamo ni Camille, nang tuluyang makalapit sa kanya ang ina nito. " Ang tigas talaga Ng ulo mo! Kahit kailan ang hirap mong umintindi! Sinabi ko na sa'yo, layuan mo Ang lalaki na 'to! Ano ang ipapakain n'ya sa'yo pag 'yan ang naka tuluyan mo? Hah! " Galit na galit na sigaw ng Ina nito. " Ma'am, Tama po." Mahinang sabi ni Roldan sa Ina ni camille, at pinipilit na awayin sa pagsampal sa anak.
Bumaling naman nang tingin ang ina ni camille sa kanya.
" Ikaw, ang kapal bg mukha mo! Sapalagay mo ba nababagay ka sa anak ko? Ha! Hindi Kita gusto para sa anak ko! Kaya layuan mo ang anak ko. At h'wag na h'wag kanang mag papakita sa anak ko! "
" Pero, Mahal na mahal ko po si Camille, ma'am. lahat gagawin ko para sa kanya.." Nakayukong sagot ni Roldan,
Tumawa nang malakas ang ina ni camille.
" Sa palagay mo ba, Kaya mong ibigay ang karangyaan na buhay para sa anak ko? Huh! Sa isang hamak na tricycle driver na kagaya mo? H'wag Kang managinip ng gising hijo, Gumising ka sa realidad ng buhay. Hindi Kayo nababagay ng anak ko. Kaya layuan mo ang anak, tapos! " Mabilis na kinaladkad si Camille ng Ina hangang makarating sa loob ng gate. Sabay sabay naman napatingin ang mga bisita nang papasok sila sa loob ng kabahayan. " CARLA!" sigaw ng ama ni Camille. Nang makarating sila sa loob ng bahay. " Bakit mo sinasaktan ang anak mo?" Pagalit na tanong ng ama ni Camille sa asawa nito.
Bumaling naman ng tingin ang Ina nito sa asawa at galit na nag salita.
" Itong magaling mong anak! Mahuli ko lang aman na nakikipag landian sa labas! Hindi na nahiya nandito pa naman si Alex! Ang tagal tagal na nanliligaw sa'yo ni Alex, kaya pala hindi mo magahang magustuhan si Alex, Dahil nakikipaglandian kana pala sa iba! Pipili ka nalang din ng lalaki! 'yong hindi kapa kayang buhayin! Hindi Kita pinaghihirapan pag aralin para mapunta ka lang din sa Wala!". Hilam sa luha ang mga mata ni Camille, At sapo sapo Ang mukha nito sa pag iyak.
" Pero hindi dapat ganito Carla, Hindi mo dapat pinahiya ang anak mo sa maraming tao! Ngayon pa talaga sa mismong araw ng kaarawan niya! Anong klase Kang ina?"
" Wala kang karapatan na pag salitaan ako Ng ganyan Dante! Ginagawa ko lang ang nararapat-"
" Nararapat? 'yan ba ang tingin mong nararapat? Kung sino man ang ibigin ng anak natin malaya siyang magdisisyon sa bagay na 'yan, at hindi na natin dapat pang himasukan kung sino man ang gusto niyang mahalin. tandaan mo, Ang anak mo lang ang may karapatan pumili ng tamang lalaki na mamahalin n'ya."
" Sorry po papa! Sorry po mama! sorry po! . Humahagolgol na pag hingi niya ng tawad sa mga magulang. " Mahal ko po s'ya mama.. Mahal na mahal.."
Hindi naman nagustuhan ng Ina nito ang mga sinabi niya. Kaya sa inis ng Ina ay muli siyang binalingan at sinampal. Lumapit ang ama niya upang pigilan ang asawa, Ngunit, Hindi paman lubusang nakakalapit ay namalipit na ito sa sakit ng dibdib. Sapo sapo nito ng dalawang kamay ang dibdib at dahan dahan napa upo ito. Mabilis na tumigil sa pag sampal ang Ina ni Camille sa kanya. At nag mamadaling dinaluhan ang asawa "Dante! Anong nanyayari sa'yo? Dante!" Kinakabahan na tanong ng Ina niya.
" Papa! Papa!" Nanginginig ang katawan ni Camille. maging ang mga kamay niya ay hindi niya magawang hawakan ang ama. dala ng sobrang takot na nararamdaman. Nalilito man siya ay tumayo siyang kaagad at tumawag ng tulong sa mga bisita. Mabilis naman siyang nilapitan ni Alex at tinulungan sila na buhatin papunta sa kotse nito ang ama. at mabilis na nag drive sa pinaka malapit na ospital.
Hindi nag sasalita ang Ina niya habang mag kakatabi sila sa upuan sa labas Ng emergency room. Maging si Alex ay hindi makapag salita.
" Kapag may nangyaring masama sa papa mo, hinding Hindi Kita mapapatawad! Nakita mo na Ang ginawa mo? Kahit kailan puro sakit sa ulo ang binibigay mo sa amin ng ama mo!" Nanatiling walang imik si Camille. alam niya na masama ang loob mommy niya kaya ganoon ito mag salita. Marahan naman pinisil ni Alex ang kamay ni Camille. At ngumiti sa kanya." Don't worry, I know Tito, will be better soon . He's going to be fine, kaya h'wag kana umiyak." Nagpasalamat siya at naroon si Alex para tulungan sila.
"Salamat.." tipid na sagot niya at pinilit na ngumiti.
Hindi nag tagal at lumabas ang doktor, at kinausap ang mommy ni Camille. Ang Sabi ng doktor ay may sakit sa puso ang daddy niya, So far okay naman daw ang ama. Stable na din ang kalagayan nito kaya nothing to worry na sila. Kabilin bilinan lang ng doktor na iwasan ma stress at iwas sa pagod ang ama. Sobrang laking pasalamat ni Camille sa panginoon at naging okay ang daddy niya. Kung may nangyaring masama sa ama niya, Hinding Hindi niya mapapatawad ang sarili.