Sumusuray- suray na bumaba si Camille sa stage. Habang ang mga tao ay masaya at maingay na nagpapalakpakan sa natapos niyang pagkanta. Itinaas ni Andrea ang Isang kamay at ginalaw galaw sa ere. " Camille! Camille! " Sigaw nito habang patuloy ang paggalawn ng kamay ng kamay sa ere. Sumusuray na lumakad patungo sa Mesa na kinaruruonan nila ni Roldan si Camille. " Sinama ko si sir, ha. Hinahanap ka kasi e. Sabi ko sa'yo type ka ni'to!" Bulong ni Andrea kay Camille. pinasingkit ni Camille ang mga mata nang makita na naka upo nga si Roldan sa kanang bahagi ni Andrea. At nginitian niya ito. " Oh, H-hi! S-sir s-sungit! Mukhang naligaw ka, ah? Ano naman ang ginagawa mo di'to?" Pautal na tanong ni Camille dala nang kalasingan. Tumuwid ng upo si Roldan at masamang tinapunan siya ng tingin. Hinagura

