Natahimik ang lahat ng mga bisita sa kasal nang mag simula na i-play ng isa sa coordinator nang kasal, Ang pre- nuptial photo video sa isang malaking projector. Nangingilid ang luha ni Camille nang magsimula tumugtug ang background song na " You decorating my life" By Kenny Rogers. ng kanilang pre- nup video. Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ni Camille nang mag simulang lumabas sa video, Ang picture nito na palihim pa na hiningi ni Roldan sa pamamagitan ni nana Lina. Kasunod ang picture nito na enjoy na enjoy sa pagkain ng fishball habang naka ngiti ito. Sumunod naman ay ang picture kung saan kinakantahan ni Roldan si Camille at 'yon din ang gabi na official na silang mag kasintahan sa larawan na iyon ay naka paling ang ulo ni Camille sa braso ni Roldan, habang naka pikit Ito at ninamnam

