Ang buong akala ni Camille ay isang panaginip lamang ang nagaganap sa mga sandaling iyon. Bahagya pa niya na iginalaw ang labi at ibinuka iyon upang mabigyan ng puwang na masakop ng lubusan ang labi niya ng labi na kanina pa pilit na sinusubukan sakupin ito. Habang lumalaon ng lumalaon ang halik na iyon ay unti-unti niya na hihinagat sa sarili na hindi lamang iyon isang panaginip! May tao talaga na humahalik sa labi niya damang-dama niya ang malambot na ng tao na humahalik sa kanya. Mabilis niya na iminulat ang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya nang mabungaran ang mukha ni Roldan at abala sa paghalik sa kanya! Mabilis niya ito na itinulak palayo sa kanya. " A-ano'ng ginagawa mo? " Puno ng pagkataka na tanong niya rito matapos mapaghiwalay ang mga labi nila. " Kissing your lips. " Bul

