Pasado alas-dos ng hapon tapos na ang team building activies nila para sa araw na iyon, may second day activity pa silang isasagawa para naman sa susunod na bukas. Ang lahat ng empleyado ay abala na sa mga kanya-kanyang adyenda ng hapon na iyon. Habang sila Camille at Andrea naman ay kasama ang ibang katrabaho sa isang malaking cottage. Tila parang pinipiga ang kanyang puso ng makita nito ang girlfriend ni Roldan. Nang masayang lumapit sa lalaki at ikinawit ang mga kamay sa batok ng binata at hinalikan ito na parang walang ibang tao'ng nakapalid sa katabing cottage nila. Pinilit niyang iwinawaksi ang tagpong nasaksihan. Ayaw niyang makaramdan ng sakit dahil in the first place wala siyang karapatan masaktan o 'di kaya naman ay magselos man lang. Wala naman namamagitan sa kanila ni Roldan

