Nakangiting pinag mamasdan ni Roldan ang natutulog na sina Rhiane at Rica. habang nakayakap ang mga ito sa nakatulog na din na si Camille.Nag u-umapaw ang saya na nararamdaman ni Roldan sa mga sandaling iyon. Seeing them na payapang natutulog, One big happy family ang pangarap nito . Lahat ng hindi niya naranasan noong bata pa ito. Pinapangako niya sa sarili niya na hinding hindi mararanasan ng mga anak niya ang buhay na napagdaanan niya. Lahat ng mga pangarap niya ay nasa palad na niya ngayon. Ang babae kaisan-isang babae na pinakamamahal niya, At ang mga anak ang bumubuo sa buhay niya ngayon. Wala na siyang mahihiling pa sa panginoon. Bagkus, ay taos pusong pasasalamat. Sa dami nilang pinag daanan ni Camille. Hindi niya lubos maisip na muli pa silang pagtatagpuin ng tadhana. Sa

