"Jeremy, tayo na jan. Kain tayo. Kanina kapa daw di kumakain." Mahinahon kong lapag ng pag kain sa mesa. Nakahiga lang siya habang may nakapatong na libro sa kanyang mukha. "Jeremy..." Tawag kong muli sakanya. Pero di niya ko parin pinapansin. "Kung ayaw mo kong pansinin. Ako nalang kakain mag isa." Asar na sabi ko sakanya. "Nasasaktan ako." Mahina niyang sabi bago pa man ako nakalabas ng pintuan. Kaya naman napahinto ako. Tumingin ako sakanya habang nauupo na siya. Hindi ako makapag salita sa sinabi niya. Napatitig lang ako sakanya habang nakatitig din siya sakin. Namimiss ko ang ganito pero hindi ko gusto siyang nasasaktan siya. Para bang may kung anong kumukurot din sa puso ko habang tinititigan siya. "Pero hayaan mo. Matatapos din siguro 'to. Kailangan ko lang tanggapin na tap

