"Iba talaga yang Jeremy mo Jem ah. Dinaig niya pa talaga si Kenken na artista. Binasted ba naman yung ganung kaganda at kasexy na babae." Di makapaniwalang sigaw ni Sara habang nag lalakad kami papuntang court. "Miss...saksakin mo nalang kaya ako?" Sarcastic kong sagot sakanya. Nag peace sign naman siya sakin habang tumatawa sila Sandra. Pag kadating namin sa court naabutan nalang namin na nasa gitna si Kenken at Jeremy. Ano naman kaya trip nila ngayon? "Jem! Pag lalabanan ka daw nung dalawa." Biglang hatak sakin ng isa naming kaklase at ipinunta pa ko sa gitna. "Ano ginagawa niyong dalawa?" Takang tanong ko sakanila. Binitawan na ko ng humatak sakin at iniwan ako sa gitna nila. "Mag lalaro lang kami." Seryosong sagot sakin ni Kenken habang nag tititigan silang dalawa ni Jeremy. "Man

