"Sorry kung tinawagan pa kita. Alam ko namang kasal kana at ano...kasi..." "Ok lang sakin. Natutuwa nga ako at nag kita pa ulit tayo." Tawa sakin ni Kenken sabay higop ng shake na binili namin. "So pumapayag kana na turuan akong mag gitara?" "Bakit nga pala ako? Bakit hindi ka nalang mag paturo kay Jeremy? Magaling naman kamo siya sa mga instruments." Nag tataka niyang tanong kaya naman napa tahimik nalang ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya na wala ng oras sakin si Jeremy dahil lagi niyang kasama yung bruhang president ng Music Club. "Sige wag mo ng sagutin." Nabigla ako ng mag salita ulit si Kenken kaya naman napatingin ako sakanya. Di ko namalayang lumipad nanaman ang isip ko. JEREMY POV "May girlfriend kana ba Jeremy? Natanong ko lang kasi sikat na sikat ka dito sa school.

