“OR that you might discover the feelings that you might already have for me?” Umiling-iling si Myla upang alisin sa isipan ang mga salitang iyon. Ilang araw na siyang hindi pinatatahimik ng mga salitang binitawan ni Darwin. Nitong mga nakaraang araw ay civil sila ni Darwin sa isa’t isa at kibuin-dili siya nito kung hindi rin lamang tungkol sa trabaho. Oo, pagkatapos nitong guluhin ang isipan niya dahil sa halik nito at sa mga huling sinabi nito ay hindi na siya nito kinibo. And she was more than thankful it turned out that way. Dahil hindi niya alam kung paano itong pakikiharapan oras na gumawa na naman ito ng bagay na ikagugulo ng buong pagkatao niya. Oo, hindi na siya sigurado kung paano na siyang magri-react kung bigl

