MASAMA ang pakiramdam ni Myla nang umagang iyon. It’s her monthly period. At sa tuwing first day niya ay waring nagrerebolusyon ang kung ano mang meron sa puson niya. Iyon ang dahilan kung bakit galit siya sa mundo sa tuwing magkakaroon siya. At wala siyang balak na umalis ng kuwarto niya kahit ano pa ang mangyari. Mas trip niyang mamaluktot na lamang sa kuwarto niya maghapon o hanggang sa mawala ang sakit ng puson niya. Mayamaya pa ay narinig niya ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto niya. Gusto niyang magwala ngunit wala namang kasalanan ang kung sinumang nasa pintuan kaya naman pinigilan niya ang sariling mainis. “Senyorita?” ang pamilyar na tawag ng kasambahay mula sa labas ng pintuan. “I’m not feeling well. Please just tell ev

