LITERAL na sinimangutan ni Myla si Darwin nang bumalandra ito sa harap niya sakay ng isa sa mga kabayo ng hacienda. He looks marvelous riding the magnificent horse. Gayunpaman ay pinilit niyang ignorahin ang bahagi ng isip niyang humahanga rito at pinagbuti ang pagsimangot. Gusto niyang malaman nitong nabubwisit pa rin siya sa ginawa nito nang umaga ring iyon. Hindi nga lamang niya sigurado kung saan siya mas na naiinis. Sa pagpasok nito sa kuwarto niya, sa walang sabing pagbuhat nito sa kanya o sa pagbitaw nito sa kanya sa malayelong tubig. "Anong oras na sambakol pa rin 'yang mukha mo." nakangising sabi ni Darwin sa kanya. "Ingudngod kaya kita riyan, tignan natin kung hindi maging sambakol din 'yang mukha mo." paismid na sagot niya sa lalaki na ikinatawa lang naman n

