ARIANA Inagaw ni Dylan ang baril sa pagkakahawak ni Michelle, agad naman niya itong nakuha dahil nakatulala na lamang si Michelle ng makita niyang si Theo ang sumalo ng bala na para dapat sa aming dalawa ni Dylan. Duguan na itong nakahandusay sa sahig. "T-Theo?" ang mahinang sambit pa ni Michelle at lumapit sa kinaroroonan namin. Umiiyak na ito. Nagtataka ako sa ikinilos nito. Bakit siya umiiyak ngayon? Dahil ba hindi kami ang natamaan ng bala at ibang tao ang nag aagaw buhay dahil sa kabaliwang ginawa niya? Mabilis naman akong kumilos at pinunit ko ang bandang laylayan ng damit ni Theo at itinakip sa sugat nito. Patuloy pa din sa pagtagas ang dugo niyon. I checked kung saan ang tama nito at kinabahan ako ng mapagtanto kung nasa maselang parte iyon ng katawan ni Theo. Ang dami nang dug

