ARIANA Nagising ako ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng matinding pagka uhaw. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko para tignan kung anong oras na. Mag aalas tres na pala. Bumaba ako sa hagdan at agad na tinungo ang kitchen area. Di ko na binuksan pa ang ilaw dahil sapat naman na ang ilaw sa labas ng bahay upang maaninag ko ang loob ng kusina. Kumuha ako ng isang pitsel ng malamig na tubig sa ref at sinalin sa baso. Kinain ko na din ang tirang cake na nakita ko. Nag scroll scroll lang muna ako sa f*cebook habang nilalantakan ko ang cake. I saw that Valerie tagged me and when I opened it, nanlaki ang mga mata ko ng pinost niya ang wedding namin ni Dylan. At ng tignan ko ang mga reactors ay nakita ko si Jerome na naka "Sad" react pa. Napasapo nalang ako sa noo ko. "Ang kulit m

