MAVEE
Habang nakaupo ako sa aking upuan ay nagawi ang tungin ko sa resume na nakapatong sa aking mesa. Naalala ko nag dalagitang naka enkwentro ko kanina. Naaawa ako sa kanya. Muli kong pinanood ang CCtv ng nasabing store at kitang kita roon ang pambubully sa kanya ng palihim ng grupo ng estudyante na pinagbintangan syang magnanakaw. Muling nabaling ang Mata ko sa resume. Agad ko iyong kinuha saka binasa. Xelca Lynzie Davis, 19 years old. Taga San Ramon pala ito. Email add: cutie_xelyn143@g*******m ." Natawa ako at napa iling, hehe pang jejemon pa ang email, bata pa nga ito. Hindi pa nabago ang email add. Binasa ko pa ang ibang nilalaman ng resume, so she can sing and dance, hobby nya rin ang cross stitch, bigla kong naalala si Mommy, marunong din syang magpinta? Ayos ah, dami nya rin palang talent. Nakalagay don ang pangalan ng kanyang Ina, Rosenda Alvarino ngunit Deceased na ito. Ang ama nya naman ay Earl Davis ngunit wala ring info. Ngunit sa Guardian doon naman nakalagay ang pangalang Rosalia Alvarino, Auntie nya.
Dahil manganganak na ang aking Sekretarya ay kailangang may reliever ito, kaya ipapalit ko muna sa Sekretarya ko si Ate Leah ang aking Personal Assistant, May kaalaman naman ito dahil minsan nadin itong naging sekretarya sa dati nitong trabaho.
At ang Dalagitang Kulong Tyan ang gagawin kong P.A, tingin ko naman ay kaya nito. Graduate naman sya ng senior high at wala namang mabigat sa mga ipapagawa ko kaya sa tingin koy kaya nya naman ito. Dahil may naiwang Xerox ng Marka sa kanyang resume ay nakita ko na ayos naman ang mga grado nya. Di man ito super tataas ngunit maganda parin ang mga grades nito. Agad kong pinatawagan kay Ate leah ang numero at sinabing kailangang isumite ang mga Requirements bukas.
Hindi ko alam tila nakita ko sa kanya si Evren, ilang taon na ang nakalipas. Napangiti na lamang ako, kumusta na kaya sya. Sigurado naman ako na nasa mabuti syang kalagayan.Hindi pa ulit kami nagkikita after ng kasal at Binyag ny inaanak kong si Grae,medyo matagal na rin pala. Simula ng mahalin ko at ma frinedzone ako ni Evren ay di na ako nagmahal pa, Nag focus na lamang ako sa trabaho ko, Ganito siguro ang naramdaman ng BFF kong si Lavinia nung sya yung nagtapat sa akin pero ni reject ko, kasi nga nakatatandang kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Natawa na lamang ako. Ganito pala ang feeling. Pero ayos lang masaya ako at nasa maayos naman si Evren ang babaeng minahal ko. Bumalik naman ang isip ko sa Dalagita dahil sa kanya naalala ko na namam tuloy si Evren. Pareho kasi silang simple iba lamang ang pormahan nitong si Kulo Tyan Girl. May pag ka Boho kasi ang pormahan nito pero bagay naman sa kanya. Natawa ako bigla. Naalala ko na naman ang pag kulo ng Tyan nya.
Samantala...
XELYN
Kasalukuyan kong tinutulungan si Tita na mag lagay sa Ziplock ng mga Embotido na tapos nga lutuin ng biglang tumunog ang telepono, sinagot nya muna iyon.
"Yes po, Guardian nya po ito. Noted po. Sasabihin ko po sa Kanya. Marami pong salamat." Saad ni Tita saka nakangiting bumalik palapit sa akin.
"Xelyn hija, Tumawag Yung secretary daw ng Mayor ng Sta.Veronica, nag iwan kadaw kasi ng Resume sa kanila. Pinapupunta ka bukas upang mag pasa ng requirements." Saad ni tita na syang ikinatuwa ko.
"Talaga po Tita Alia? Yes..mag kaka work na ko Tita"
"Oo nga Good luck sa work mo Hija, sanay maging maayos ka roon sa Sta.Veronica.
Kinabukasan ay Maaga akong kumilos alas kwatro pa lamamg ay gising na ako. Ala singko pa kasi ang first trip dito sa amin. Hindi pa kasi gaanong kabayanan dito di Tulad ng Sta.Veronica at San Bartome. Doon kasi kahit papaano ay medyo Kabayanan na. Sa San Bartolome kahit papaano ay meron ng Waltermart yon ang pinaka malapit na mall dito sa amin. Kahit papaano ay may may mga Jollibee roon at mang Inasal. Kaya kapag may pera ay doon nagtutungo ang mga tao dahil yon ang pinakamalapit na mall dito. Sa Sta. Veronica naman ay Kahit papaano ay merong 7-Eleven at At Alfamart, meron ding Mga Minute burger, at remittance center. At meron din doong maayos na palengke na kahit hindi araw ng palengke ay marami kang mabibili. Dito kasi sa amin sa San Ramon ay di pa gaanong develope. Pero may Palengke rin naman kami dito na madaming tinda tuwing linggo, pero kapag karaniwang araw ay may talipapa naman kahit papano. Meron din namang mga maliliit na grocery store dito. At ayon pala kahit papano may Angel's Burger din pala dito sa amin.
Dahil Ala singko ang unang byahe ay mabilis akong kumilos, naligo at kumain lamang ako ng bahagya, pinagbaon naman ako ni Tita Kahit sa maliit lamang na baunan para daw may makain ako kung sakaling gutumin ako. Mabilis akong nag ayos saka ako nagpaalam kay Tita.
Kailangan ko pang maglakad patungo sa paradahan ng jeep, mabuti na lamang kahit papaano ay may mga ilaw naman din dito sa amin. Pagkarating ko ay agad akong pumila. Mabuti na lamang at umabot pa ako sa unang Pasada.
"Mang Temyong meron pa po?"
"Oo ineng, Sakay na at lalakad na" saad ng matanda. Dali dali naman akong pumanhik ng Jeep at naupo. Medyo nasa 45 to 1 hr din kasi nag byahe kaya dapat talaga ay makaalis ako ng 5 to 5:30 para kahit papano ay di naman ako late.
Umandar na ang Jeep ibat iba ang kasakay ko sa Jeep, may mga estudyante, may Factory worker, May construction worker, May aalis patungong maynila. Ganito ang buhay sa amin ang iba ay napipilitang lumayo para sa pamilya.
Hindi ko napansin na naka idlip na rin pala ako. Pagdating ko ay nasa Sta. Veronica na.
Medyo maaga pa akong nakarating Alas dyes pa naman ang report ko, pero Kailangan ko mag pa medical kaya inagahan ko rin. Mabuti na lamang din ay may Laboratory din dito sa Sta.Veronica, meron din sila ditong Community Hospital kahit papano kung saan merong Pedia at merong Ob. Nakakatuwa naman mamalakad si Mayor talagang mahal na Mahal nya ang bayan nya.
Mabilis naman ako natapos sa medical. Alas 9 pa lamang ay Tapos na ako sa lahat. Muli kong Chineck ang mga requirements at Kompleto na ang mga ito. Saka ako nagtungo sa Munisipyo ng Sta. Veronica para ipasa kay Ms.Leah ang aking requirements. Ipinadala ni Tita ang Cellphone na di Keypad sa akin, binenta daw iyon sa kanya ni Aling Rosing kagabi sa halagang tatlong daan. Pinadala nya iyon sa akin para may communication daw kami.
Pagdating ko ay Magalang akong bumati. Itinuro naman sa akin kung saan naroroon si ms.Lea.
Nang maituro ako sa isang pinto ay kumatok ako Nakalagay doon ay Office of the Mayor. Pagkatok ko ay narinig ko ang boses ng babae na pinapapasok ako kaya pumasok naman ako.
"Good morning po, Ako po Si Xelca Lynzie."
"Ah..yes oo ikaw yung pinatawagan ni Mayor kagabi., akin na pala yang requirements mo at ng ma review ko." Nakangiting wika nito.
Inabot ko naman iyon saka nya pinasadahan.
"Salamat, pwede ka naring mag simula ngayon Xelyn. Ituturo ko na sayo yung mga ginagawa ko dati. Bale ang work mo dito ay P.A ni Mayor okay? Ikaw na ang mag che check ng mga activities nya, then inform mo rin sakin para ma check at maiwasan ang complicated na sched.
"Noted po Ms.Leah" saad ko rito
"Pasensya ka na at medyo maraming files ha, Biglaan kasi ang Pag alis ni Gemma dahil napaaga ang Panganganak, kaya biglaan din ang lipat ko bilang reliever nya, kaya ikaw naman ang papalit sa akin bilang PA ni mayor.
Agad nya akong pinalapit sa kanya saka ipinakita sa akin ang mga sched ni Mayor. Ang sabi nya ay palagi kong iuupdate si mayor sa mga lakad nito. Akma akong uupo para ilista ang mga schedule ngunit inawat nya muna ako.
"Ayyy... sorry Xelyn, hindi dyan ang pwesto mo, doon ka sa office ni Mayor. May sarili ka ring table doon."
"Ah..Hindi po ba dito ang office ni Mayor, meron pa po?" Tanong ko rito saka luminga.
"Oo dyan sa pintong yan, Dyan talaga ang pinaka opisina nya. Sige na Kumatok ka andyan si Mayor at ipakikilala kita." Saad pa ni Ms.Leah. Kumatok ako, nang marinig namin ang boses nya at sinabing "Come In" ay saka ako dahan dahang pumasok. Kasunod ko naman si Ms.Leah.
"Good Morning po Mayor Saldivar" magalang na bati ko rito tumingin ito ng bahagya sa akin, Tumango at Bumati ng bahagya saka muling tinuon ang mata sa ginagawa.
"Good morning!"
"Ahm Mayor Mavee...sya nga pala si Xelyn, yung pina contact mo sa akin. Bale nasabi ko na sa kanya yung mga dapat nyang gawin. Ahm.. Xelyn kung may mga katanungan ka pwede mo akong lapitan ha, hwag kang mahihiya okay?
"Okay po Ms.Leah, Thank you po."
"Okay, ahm sige ngayon, paki encode mo na muna ang mga ito tapos i print mo sa Legal Paper, ilagay mo dito sa folder tapos ipasa mo sa akin, saka mo ipasa kay Mayor."
"Copy po Ms.Leah." tugon ko.
Iniwan na ako ni Ms.Leah sa opisina ni Mayor Mavee. Palihim akong tumingin sa kanya ngunit busy sya sa ginagawa.
Nagsimula ako sa task ko, ngunit di maiwasang mapatalingin ako sa gawi ni Mayor.
"Staring at someone for a second or Two is Rude" Malamig na sabi ni Mayor na diko inaasahan.
Naramdaman nya bang tinitingnan ko sya? Lakas naman ng pakiramdam ng Mayor na to.
"I'm sorry Mayor." Hingi ko na lang ng paumanhin.
"If you have a question regarding your work, you can Ask me, but don't stare at me like that, Nawawala ako sa focus!" Saad pa ng masungit na Mayor na Diretso parin sa Pag babasa ng files na pinipirmahan.
"Ahm..Noted po, Sorry po ulit" saad ko ulit rito.
Lumipas ang oras na di ko na ulit ginawang sulyapan sya. Baka mahuli na naman ako, Malakas pa naman ang radar nito ni Mayor, kaya nag focus na lang ako sa trabaho. Matapos kong gawin ay sinunod ko ang bilin ni ate leah. Matapos ko i print ay dinala ko ito sa kanya, saka ko naman dinala kay Mayor para pirmahan. Ang sabi ni Ate leah after lunch ay kailangan ko ding i discuss kay Mayor ang mga Meetings at schedule nya. Kaya pagkakain ay nag toothbrush muna ako at mag retouch saka bumalik sa opisina, bahagya akong yumupyop sa table, 12:30 pa naman, pwede pa ako umidlip. Nag alarm lang ako ng 12:55 para naman may allowance pa na 5 mins.
Pag alarm ng Phone ko ay agad ko itong pinatay at inayos muli ang table, Doon ko lamang narinig ang mga kalansing ng Kutsara, ngayon palang kakain si Mayor?
Binuksan ko na ang ilaw sa pwesto ko. Dala ko ang folder para ipatong iyon sa table nya. Nagulat pa ako ng Alukin nya pa akong kumain.
"Kain, Kumain ka na ba?"
"Opo Mayor, tapos na salamat po, Ahm heto po pala yung folder na pipirmahan nyo, ilalagay ko po muna rito." Saad ko saka ipinatong ang files sa lamesa.
"Salamat, check ko na lang mamaya." Walang emosyon parin na tugon nya. Napatingin ako sa Lamesa nya, Doon ay may Nakita akong picture frame, Si Mayor, Isang magandang babae at isang batang babae na sa tingin ko ay nasa tatlo o apat na taon. naroon din ang picture nilang dalawa ng babae na sa tingin ko ay sa Bohol at picture nya kasama ang bata na nasa loob mismo nitong opisina? Siguro ay asawa ni Mayor? Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng lungkot para kay Mayor, Di ko alam kung sino sila pero naniniwala ako na mahalaga sila kay Mayor. Bumalik na ako sa pwesto ko para ayusin muli ang files.
Bandang 1:30 ko na na discuss ang sched ni Mayor para bukas.
"Ahm..bukas po Mayor may meeting po kayo sa may San Bartolome kasama ang mayor ng iba pang mga bayan."
"Okay, Ihanda mo na rin ang copy ng agenda ng pag memeetingan at i rereview ko rin mamaya, salamat, Sya nga pala, FYI kasama ka sa mga Lakad ko, Kung nasaan ako, naroon ka rin.
Copy po Mayor i set ko lang po ang reminders para bukas." Anya ko saka inilabas ang Keypad phone ko at doon ay ni remind ang ganap bukas. Huli na ng mapansin kong nakatingin pala si Mayor, Nakita nya ang Mamahalin kong phone.
"Do you Have a Viber? Or Telegram?"
"Ahm..sorry po sir, wala po eh..Basic phone lang po ang gamit ko."
"Ok, Give me your Number, I will message or call you kapag may kailangan ako." Saad pa nito. Idinikta ko naman sa kanya ang aking numero maya maya ay idinial nya iyon para masigurado na sa akin nga.
Tuloy lamang ako sa trabaho, Ngunit bandang alas kwatro ay Biglang umalis si Mayor. Meron lang daw syamg pupuntahan saglit. Binilin nito na ala singko ay maari na rin akong umuwi.
MAVEE
Hindi ko Alam kung matutuwa ako o maiinis dito sa Bagong P.A ko, ilang beses ko syang nakita sa peripheral vision na nakatitig sa akin. Ayoko pa naman sa lahat yung tinititigan ako dahil nawawala ako sa focus.
Ok naman nag trabaho nya nasunod nya ang pinagagawa sa kanya ni Ate Leah. Kanina ay hiningi ko ang Viber or Telegram nya, ngunit nagulat ako ng ilabas nya ang Basic phone nya, hindi ko inaasahan iyon, dahil karaniwan sa mga kabataan ngayon ay naka android na, ang iba ay iphone pa, pero sya ay abasic phone parin amg gamit. Ok lang naman sana pero kailangan din na meron syang Android dahil isasama ko sya sa Gc na meron kami nila ate leah at iba pang workers ko. Kaya bandang 4pm ay umalis muna ako dadaan ako sa walter mamaya sa san bartolome para ibili ng phone ang Bago kong P.A.
Matapos namin mag usap ng isa sa ka meeting ko ay dumaan nga ako sa mall sa san bartolome at dumiretso sa kiosk ng isag phone.
Binilhan ko sya ng phone na magagamit nya, ng mailagay iyon sa paper bag ay agad din ako umuwi. Pagdating ko sa opisina ay wala na si Xelyn. Nakauwi na raw ito. Nilagay ko naman sa drawer nya ang phone. Para makita nya pag pasok nya bukas.
"Yorme, pinauwi ko na si Xelyn, Taga San Ramon pa pala yon, medyo mahirap din ang pauwi sa kanila. Alam ko nga hangang 6 lang ang last trip pa punta sa kanila. Kung mag i special ka kailangan mo bumayad ng Bukyo sa special trip.
"Ah i see...May nilagay akong phone sa Drawer nya. I saw her basic phone earlier, pero kailangan nyang isama sa GC. I guide mo na lamang sya bukas.
"Noted Mayor, ako na ang bahala kay Xelyn." Saad ni Ate Leah habang tuloy sa ginagawa nito.
Bumalik ako sa table ko, napatingin ako sa frame namin nila Evren at Yohanna. Nananatili parin kasi ang larawan nila sa aking opisina. Hindi ko iyon tinatanggal. Kahit malayo sila ay gusto ko parin na nakikita sila kahit sa larawan. Evren is a Good friend. Ni reject nya man ako noon upang maging kasintahan ay naging mabuti naman kaming magkaibigan. At ninong din ako ng ikalawang anak nila ni Major Escobar.
Muli ko namang tinapos ang iba ko pang pipirmahan na di ko natapos kanina, hangang sa ako na lamang ang naiwan at pinauwi ko na rin si Ate Leah dahil pamilyadong tao na rin ito at may naghihintay na mga anak. As usual naiwan na naman akong mag isa.
"Hoy,, Yorme, Di ka pa ba uuwi? Wala ka man lang bang Night life? Saad ni Ate leah kanina bago umuwi.
"Hehe..Wala ate..Saka na kapag may Mayayaya na ako." Dagdag ko pa.
Hindi din naman ako gaanong nag tagal dahil bandang Alas Syete ay nagpasya na rin akonh umuwi. Sa bahay na lamang ano nagpahanda ng inumin.
Ganon naman kasi ang Takbo ng Buhay ko, Trabaho, Bahay, pag minsan nayayakag ng Kaibigan na mag happy happy pero madalang lamang. Kahit sa Circle of friends ng mga kaibigan namin ni Lavinia ay bihira na rin ako makasama, kaya niloloko ako nila Ate Leah na paano magkaka love life kung puro trabaho.
Speaking of Lavinia nag message pala sya sa akin na uuwi sya ng pilipinas dahil balak nya magtayo ng clinic rito. May Gusto syang lugar medyo malayo rito at nakikiusap sa akin na kausapin ko ang may Ari dahil baka daw mapapayag ko. Pag mamay ari kasi iyon ng Congressman na si Exodus. Ang buong Akala ko ay di na tatapak ng Pilipinas si Lavinia. Nasaktan ko sya dahil ni reject ko ang pag ibig nya sa akin. Pero wala talaga akong maramdaman na iba kundi bilang kapatid lamang. Masaya ako dahil naka move on na sya sa akin. Sana all nakaka move on.
Wala akong ibang nais kundi sana matupad ang plano nya sa buhay, deserve ni Lavinia sumaya, hindi nga lamang sa piling ko.