Kabanata 12: Nakapalumbaba ako sa stool sa may café dahil wala naman masiyadong kostumer sa mga oras na ito, may tumapik sa aking balikat kaya naman agad akong napalingon doon. Nakangising dumungaw sa akin si Jules. "Anong problema bakla?" tanong niya sa akin, halatang nanunuya ang tono ng boses. Nagpakawala ako ng malakas na buntonghininga. "Madami akong problema hindi ko alam saan ako magsisimula," sabi ko bago ako tumingin sa kanya. "Dahil ba kay babyboy?" tanong niya at tinaasan pa ako ng kilay. "Isa pang tawag mo kay Damulag ng babyboy susungalngalin ko 'yang bunganga mo!" singhal ko sa kaniya. Tumuwid naman siya ng pagkakatayo bago umupo sa aking tabi na natatawa. "Dahil ba roon sa Kier Mauv?" Na kwento ko na rin kasi sa kanya ang nangyari. Tatlong araw na rin ang lumipas

