Kabanata 32: "Saan po tayo pupunta?" tanong ko kay David dahil nakaabang na sila at tatlong body guard pagkarating ko sa Elegant Corporation. Hindi pa tapos ang isang linggo kong break ang kaso ay pagkauwi ko galing sa mall kahapon ay nagtext si Ma'am Faye na madami raw akong gagawin at kailangan na raw ako magreport. "Malalaman niyo rin po," sabi niya tapos ay tipid siyang ngumiti sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako bago ihilig ang aking ulo sa bintana ng kotse. Hindi talaga ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ng kung ano-ano. Lumipas ang oras at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lamang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi habang nakahilig ako sa isang malambot na bagay. Halos manlaki ang aking mata at napabalikwas ako sa aking p

