Kabanata 30: Hindi ko na alam kung paano ako nakapunta sa morgue ng ospital basta nakita ko na lang ang aking sarili na naglalakad papasok sa puting kwarto habang may nakahawak sa aking braso para alalayan akong hindi matumba. Nanlalamig ang buo kong katawan. Nanunuyo ang aking lalamunan, pakiramdam ko ay lutang ako dahil sa natanggap kong balita. "Pasok ho kayo, ito po," sabi ng isang Pulis sabay turo sa isang katawan na natatabunan ng puting tela habang nakahiga sa stainless na pahaba. "Kaya mo ba?" Hindi ko binalingan ng tingin ang nagsalita sa aking gilid na may hawak ng aking braso kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Si Damulag. Tumango ako, sumenyas si Damulag na buksan ang tela, napatakip ako ng bibig nang dahan-dahan buksan ng tauhan sa ospital ang telang puti. Lumapit ako

