Kabanata 28: NAPAKUNOT ang aking noo nang pagbukas ko ng pintuan ng office ni Damulag ay naabutan ko siyang madilim ang mukha habang kausap ang limang tauhan niya. Bahagya akong sumilip. "Mga putangina! Sinabi kong huwag niyong hayaang makawala sa inyo ang mga tao na 'yon! It's a simple f*****g instruction! Hindi niyo pa magawa! Get the f**k out! Get out!" malakas na sigaw ni Damulag tapos ay ibinalibag niya ang isang laptop sa mga tauhan niya. Pilit na sinalo iyon ng isa pero hindi niya naabutan. Ni hindi man lang umiwas ang mga ito. Kitang-kita ko kung paano iyon nagkadurog-durog sa sahig. Ginapang ako ng kaba nang buksan ng isang tauhan ang pinto dahilan para bahagya akong napasubsob. Kita kong nabigla sila sa presensya ko pero nagderederetsyo na lang silang lumabas habang nakayuk

