Kabanata 22: Napabuntonghininga ako habang nakatingin sa kalsada. I looked around before I stepped back. Madilim na ang langit alam kong sa ilang sandali pa ay babagsak na malakas na ulan. Sumulyap pa ako sandali sa dati kong apartment na ngayon ay isa ng malaking bahay. Nang umuwi galing ibang bansa ang anak ng may-ari ng dati kong inuupahan ay kinailangan namin umalis dahil napagdesisyonan nilang huwag ng paupahan ang lugar at patayuan na lang ng bahay at dito na maglagi sa Pilipinas. Kahit naman ayaw namin umalis ay wala naman kaming magagawa. It's been three years. Kapag may oras ako ay bumabalik ako sa lugar na ito at tumatambay kahit isang oras lang nagbabakasaling baka bumalik siya. Naghihintay na baka dumating ang araw na tuparin niya ang pangako niya. Pero lingo, buwan ha

