Kabanata 14: Nakatitig ako sa kisame ng ospital nang bumukas ang pinto nito kaya bahagya akong umupo at tipid na ngumiti kay Jules. "Okay na ba?" "Oo, nabayadan ko na. Sure kang ayos ka lang? Uuwi ka na?" tanong niya pabalik tapos ay dumeretsyo siya sa small table sa gilid ng kama ko at kinuha ang isang apple roon at kumagat. Bahagya akong tumango. "Ayoko ng magtagal dito bakla, sayang ang perang ibabayad saka ayos naman na ako mga pasa at gasgas lang to," sabi ko bago bumaba ang tingin sa mga pasa at gasgas kong natamo sa braso at hita. Ayoko naman na gumastos nang malaki habang nakahiga ako rito. Kung magpapahinga ako ay sa bahay na lang, saka hindi ako komportable sa amoy ng ospital pakiramdam ko ay lalo akong sasamain ng pakiramdam. Isang araw pa lang simula ng nangyari sa may p

