Kabanata 25: (flashback) "It's me Kier, we need to talk." Mabilis kong binuksan ang pinto upang makapasok si Kier. Nagpalinga-linga pa siya animong sinisiguradong walang ibang tao bago tuluyan pumasok sa loob ng aking bahay. "Bakit ka nandito? Anong oras na, may problema ba?" medyo kinabahan ako, hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit, na magpapakita pa siya. Inikot muna niya ang paningin sa sala ng maliit kong apartment. Napangiwi ako dahil madumi ang sala dahil sa mga laruan ni Damulag na binili namin sa palengke, na hindi niya pa nililigpit. Ang dahilan niya ay paglalaruan din naman niya kinabukasan kaya bakit pa ililigpit. Tumikhim ako upang kunin ang kanyang atensyon. "Doon na lang tayo sa kusina mag-usap." Tumango naman siya bago sumunod sa akin. Nang nasa kusina na

