Nagising siya dahil sa liwanag ng kanyang kwarto, magaan ang pakiramdam nya ngayong nakita nya na ito at nakausap. Naalala nya ang pag uusap nila nung gabi at di nya maiwasang pamulhan ng mukha, itinakip nya ang unan sa kanyang mukha at duon nag titili sobrang ligaya ng kanyang puso ang malaman na gusto din sya nito ay nagbibigay sobrang kasiyahan. Bumangon na siya at naligo para maka pag ayos excited na siyang makita si sev. Pag tapos mag ayos ay lumabas na siya napag disisyunan nyang puntahan ang kwarto ni sev. Naka ilang katok na siya ay hindi padin nito binubuksan kayat pumasok siya sa loob at sinilip ngunit wala siyang makitang sev saan mang sulok. Agad siyang bumaba para hanapin si sev. "Manang linda nakita nyo po ba si sev ?" Tanong niya sa kanilang kasambahay. Dalawa ang kasam

